Advertisers

Advertisers

Hoy Hoy Caloy!

0 19

Advertisers

Not just one but two golds for Carlos Yulo at the Paris Olympics 2024.

Opo dalawang ginto ang nasungkit ni Caloy sa gymnastics. Sa tatlong event na sinalihan ng batang Leveiza sa Maynila ay sa men’s all-around lang siya sumablay.

Matapos matalo sa ay nagwagi ang 24 años sa floor exercises at vault sa kasalukuyang Summer Games..



Yung pagkabigo niya sa first event ay nagbigay sa kanya ng ibayong lakas para sa ikalawa.

Ang momentum naman ng tagumpay sa unang ginto ang naghatid sa kanya sa ikalawa.



“ Kahit pagod na ay sinikap ko pa rin makopo ang first place,” wika ng nag-aral ng haiskul sa Adamson University.

Pagpapatunay na kung tunay mong pinaghandaan nang mabuti ang isang bagay ay makukuha mo ito kahit anong hirap pa ang humadlang.



Si Caloy ay pitong taon lang nagsimula sa sport at gusto lang niya ay magkampeon sa Palaro. Pero hindi lamang sa pambansang paligsahan ang nabingwit kundi ang nais ng bawa’t atleta sa buong mundo. Tapos Double Win pa sa loob ng dalawang araw.

Kakaiba rin ang nangyari sa Olympics para sa mga Pinoy. Kasi si Hidilyn Diaz ng weightlifting ay nasa larangan na sinasabing panglalake habang si Carlos Yulo ang sport naman kilalang pambabae. Pati ang natitirang mga pambato sa boxing na sina Nesthy Petecio at Aira Villegas ay kapwa babae naman sa manly game.

May malungkot ding side story ang inang si Angelica Poquiz Yulo. Sana maayos ang gusto sa pamilya.

Dagsa ang mga incentive mula sa gobyerno at pribadong sector sa bagong bayani natin.

Nawa’y huwag gamitin ng mga epal ang ating ngayo’y national treasure.

Saludo ang sambayanang Pilipino sa iyo Caloy.

Pinagkaisa mo ang iyong mga kababayan.

Gumawa ka ng kasaysayan. Ikaw na ang pinakadakilang manlalaro ng bansa.

Mabuhay! Mabuhay Caloy!

***

Iba talga yung mahusay ka na swerte pa gaya ni Caloy Yulo.

Sa NBA may team owner na ganyan.

Nabili ni Mark Cuban ang Dallas Mavericks noong 2000 sa halagang $ 285M.

Passionate sa game ang may-ari. Nagkampeon sila sa panahon ni Dirk Nowitzki taong 2011 at finalist sila sa nagdaang season.

Naibenta niya ang majority shares noong 2023 ng mahigit 1000%. Aba $3.5B na ang pera na natangga ni Cuban. Na-enjoy na niya ang team, napagtubuan pa niya ng sobra.