Advertisers

Advertisers

Titser, todas sa saksak ng selosong ka-live-in

0 7

Advertisers

Nasawi ang 37-anyos na guro nang pagsasaksakin ng 37-anyos na live-in partner sa Garchitorena, Camarines Sur.

Sa ulat, sinabing selos ang nakikita ng mga awtoridad na motibo sa krimen na nangyari sa Barangay San Vicente.



Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na pinuntahan ng salarin sa bahay ang biktima para makipag-ayos.

Pero nauwi ito sa mainitang pagtatalo na humantong para saksakin ng salarin ng apat na beses ang guro.



Kaagad na tumakas ang salarin na tinutugis na ng mga awtoridad. Nakiusap din sila sa publiko na may nalalaman sa kinaroroonan ng salarin.

“Sa sinumang concerned citizen na makakakita sa salarin, mangyaring ibigay ang impormasyon sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya sa inyong lugar,” sabi ni PEMS Santos Jose Mora, Public Information Officer ng Garchitorena Municipal Police Station (MPS).