Advertisers

Advertisers

WAG BIRUIN ANG KAMANDAG NG IHI NG DAGA

0 15

Advertisers

Patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga pasyenteng nagkakaroon ng leptospirosis sa bansa dahil sa mga pagbahang dulot ng nagdaang bagyong Carina at Habagat.

Ayon sa Department of Health, pumalo na sa mahigit 500 na pasyente ang na admit sa kanilang mga ospital.

Aabot na rin sa 43 pasyente ang naiulat na nasawi dahil sa naturang sakit.



Mula sa naturang numero, 41 dito ay mga matatanda habang dalawang pasyente naman ay bata.

Karamihan sa mga naitatalang kaso ng leptospirosis ay mula sa Metro Manila.



Sa isang panayam sinabi ni Health Asec. Albert Domingo na ang kabuuang 523 na kaso ng leptospirosis ay naitala ng kanilang ahensya mula August 8 hanggang 13.

Tiniyak naman ng ahensya na sapat ang mga kama ng sa mga ospital sa bansa na maaaring magamit ng mga pasyenteng may leptospirosis.



Deadly ang virus na dulot ng ihi ng daga na tradisyunal na sinabing pinagmumulan ng leptospirosis na nagiging mapanganib sa mga tao na lumulusong at nabababad sa maruming tubig baha.

Unang nang nanawagan ang National Kidney Institute sa Quezon City sa kawalan ng sapat na silid nang sumipa ang bilang ng mga pasyenteng may leptospirosis.

Lubhang mapanganib sa mamamayan lalo na sa may edad ang sakit na ito dahil napakataas ang mortality rate.

Kaya pinag- ingat ang publiko lalo na ang mga kabataang mahilig maligo sa ulan at magtampisaw sa tubig baha.

Wag maging pasaway!

Maging alerto rin dapat ang bawat barangay dito sa NCR dahil sa mga lugar na ito nakataas ang “leptos danger alert zone”.

Mag- ingat po tayong lahat.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com