Advertisers
Ni Rommel Placente
BONGGA ang kinita sa takilya ng reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Un/Happy for You”. Naka P20.5 milyon agad ito sa unang araw nito sa mga sinehan sa buong bansa, kaya ito ang pinakamalaking opening gross ng isang local movie ngayong 2024.
Palabas na sa mahigit 230 na sinehan sa buong bansa ang “Un/Happy For You” na agad naging trending topic sa X noong premiere night nito.
Sa premiere night noong Agosto 13, ipinahayag nina Joshua at Julia ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga tagahanga, pamilya, kaibigan, at mga tao sa likod ng Un/Happy For You.
“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat, sa fans, sa family namin na andito, sa friends namin, sa bosses thank you sa Star Cinema, salamat sa pagtitiwala sa amin ni Julia. Sa Viva Films of course at sa buong team ng Un/happy For You,” sabi ni Joshua bago magsimula ang film screening.
Samantala, sobrang happy at overwhelmed naman si Julia sa pagmamahal at suporta ng kanilang loyal fans, na kahit nga may kani-kaniya na siang karelasyon ni Joshua ay hindi pa rin talaga bumibitaw ang mga ito sa pagsusuporta sa kanila.
“Sobrang nakaka-overwhelm ‘yung suporta na pinapakita niyo. Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng efforts niyo. Sana po magustuhan niyo siya [Un/Happy For You],” sabi ni Julia.
Sa direksyon ni Petersen Vargas, tampok pa rin sa Un/happy for You sina Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, John Lapus, Kaila Estrada, Aljon Mendoza, Ana Abad Santos, Victor Silayan, Bong Gonzales, Meann Espinosa, at Bianca De Vera.
***
ALI FORBES MAY BAGONG SINGLE ENTITLED HALIKA NA
FORMER Beauty Queen and Pinoy Big Brother housemate Ali Forbes, naglabas ng bagong single na may pamagat na, “Halika Na” distributed by Star Music.
Dream come true para kay Ali ang pagkakaroon ng song at sobrang happy niya dahil under Starmusicph pa ito at mula sa komposisyon ng Himig Handog 2013 Grand Winner na si Direk Joven Tan.
Sa ngayon ay active pa rin si Ali sa paggawa ng mga movies at shows bukod sa pagiging abala sa kanyang Forbes Hope Foundation.
Pakinggan na ang bagong single ni Ali na ‘Halika Na’, out on your favorite streaming platforms!
Mixed and mastered by Marlon Silva ang Halika Na at Sax by Archie Lacorte.