Advertisers

Advertisers

Piolo ‘dusa’ sa pagdidirek ni Coco

0 18

Advertisers

Ni Archie Liao

HINDI nakahindi si Coco Martin nang mapakiusapan siya ng Dreamscape Entertainment na idirehe ang ilang importanteng action scenes sa seryeng “Pamilya Sagrado.”

Aniya, ginawa raw niya iyon alang-alang sa namayapang Dreamscape executive na si Deo Endrinal na pinagkakautangan niya ng loob.



Hirit pa ng actor, isang karangalan sa kanya ang maidirek si Piolo Pascual at iba pang cast members na kasama sa nasabing serye.

Para raw maging maganda ang execution ng action scenes, dinala ni Coco ang buong team niya sa “FPJ’s Batang Quiapo” para masiguradong maganda at pulido ang kalalabasan ng mga eksenang kukunan nila.



Pero, what’s this that we heard from the grapevine.

Dusa raw si Piolo Pascual at iba pang cast members sa shoot ng nabanggit na TV series under the direction of Rodel Nacianceno o Coco.



Talagang physically demanding daw ang pinagawang stunts ni Direk Coco kina PJ at sa kanyang co-stars.

Hirit naman ng ilang kibitzers, hindi raw naman ito nakapagtataka dahil ‘perfectionist’ si Coco pagdating sa ginagawang mga eksena.

Kung puwede nga lang, hindi ito mag-require pa ng double para sa mga maseselan at explosibong bakbakan para maging makatotohanan ang mga eksena.

Dagdag pa rito, kilala rin si Coco sa pagdidirek na walang sinusunod na script.

Anyway, ayon sa tsika, kahit nahirapan, sobrang saludo raw si Coco sa ipinakitang dedikasyon at propesyonalismo ni Papa P. para maitawid nila ang kanilang difficult scenes.

May ilan namang kafaneyan na nagwi-wish na sana ay magkasama rin sina Papa P at Coco sa isang proyekto in the future.

Hindi naman ito imposible lalo pa’t may filmfest entry si Papa P. kasama ang komedyanteng si Bossing Vic Sotto.