Advertisers

Advertisers

Vilma inilarawan si Lloydie bilang bagong Dindo Fernando

0 39

Advertisers

Ni Jimi Escala

KAMAKAILAN lang ay ginanap sa Archivo 1984 sa Chino Roces sa Makati ang first ever “Vilma Night”

Ito rin marahil ang kauna-unahang sort of exhibit ng mga memorabilia o mga larawan, posters na kuha sa mga nagawang pelikula ng isang icon ng Phil. Showbiz.



Siyempre, dumalo ang Star for All Seasons na si Vilma Santos na very much happy sa nakitang posters at mga larawan mula sa more or less 300 movies na nagawa niya.

Mga memorable films niyang gaya ng Sister Stella L to Burlesk Queen at kasama pa ring produced ng kanyang VS Films na Pagputi ng Uwak, Pag itim ng Tagak at Mga Rosas sa Putikan



Namangha si Ate Vi na sinabayan na rin niya ng pagpapaliwanag habang isa-isa niyang tiningnan ang mga pictures, vinyl records, paintings, tshirts na ginamit sa promo ng pelikula and other memorabilia na nagawang ipunin mula umpisa at hanggang sa more than sixty years niya sa showbiz, huh!

Halos lahat ng kilalang production outfit ay nagkaroon ng pelikula si Ate Vi namely Regal, Viva, Sampaguita Pictures, Lea Productions at iba pa.



Sa mga naging leading man naman niya bukod kay Christopher De Leon ay isa sa pinagmamalaki ni ate Vi at isa sa the best sa kanya si Dindo Fernando.

Sa henerasyon ngayon, Ang matatawag niyang The New Dindo Fernando ay si John Lloyd Cruz, huh!

***

SPEAKING of Ate Vi, kinumpirma niyang tuloy na ang paggawa niya ng pelikula. Ito ay under sa production ng Mentorque Productions.

Isa raw itong dark movie pero hanggang ngayon ay wala pang maibigay na detalye si Ate Vi.

Sa tanong kung pwedeng pang Metro Manila Film Festival ito for her to win another “best actress award” ay napailing ang multi awarded actress.

Ayaw daw niyang i-pressure ang sarili basta ang importante matapos daw niya ang movie maihabol man o hindi for this year’s MMFF, huh!

Aside from that movie ay may mga pelikula pa ring supposed to be uumpisahan din si Ate Vi pero mukhang malabo na rin dahil almost süre na ang pagbabalik gobernador ni Ate Vi sa probinsiya ng Batangas, huh!