Advertisers

Advertisers

Ligtas ang Caloocan at walang serial killer – Mayor Along

0 12

Advertisers

Inaresto kamakailan ng Caloocan City Police Station (CCPS), sa ilalim ng direktiba ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, ang suspek sa umano’y insidente ng pananaksak sa Morning Breeze, Bagong Barrio na naging viral sa social media at nagdulot ng maling impormasyon sa online magdamag.

Pinawi ni Mayor Along ang mga alalahanin ng kanyang mga nasasakupan hinggil sa kaligtasan ng lungsod at binalaan din ang iba pang kriminal na elemento sa lungsod na handa ang kanyang administrasyon na ipatupad ang buong puwersa ng batas sa kanila.

“Mga Batang Kankaloo, wala pong serial killer sa lungsod at tinitiyak po natin at ng CCPS na ligtas ang ating mga komunidad laban sa krimen. Mas pinaigting na rin natin ang police visibility sa lungsod para mas maging panatag ang lahat, kasabay pa ng regular nating pagpapatupad ng Oplan Bulabog kung saan gabi-gabi tayong nagpapatrolya sa mga kalsada simula pa noong nakaraang taon,” wika ni Mayor Along.



“Magsilbi po sana itong babala sa iba pang mga magtatangka na gumawa ng krimen sa ating lungsod at hindi tayo magdadalawang-isip na ipatupad ang buong pwersa ng batas laban sa mga gagambala sa kapayapaan ng ating mga komunidad,” pahayag ni Malapitan.

Nagpahayag si CCPS Chief PCol. Paul Jady Doles, ng damdamin sa Alkalde at nanindigan na isang isolated incident ang insidente ng pananaksak.



“Gaya po ng nabanggit ni Mayor Along, ligtas po ang lungsod ng Caloocan. Lumalabas po sa initial investigation natin na ang huli nating suspek hindi kasama sa iba pang krimen,” wika ni PCol. Doles.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">