Advertisers
MARAPAT lang na imbestigahan ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil, ang direktang paglapastangan at pambabastos sa Anti- Illegal Gambling Act o PD 1602 as amended by RA 9287 dahil mismong ang mga tagapagpatupad ng batas ang bumabalewala dito.
Saan mang sulok sa bayan ng Limay, Bataan lantad ang presensya ng SAKLA na inaabot ng madaling araw ang operasyon nito na matatagpuan particular sa mismong Judy’s Park Limay na ilang hakbang lamang ang layo nito sa Limay Municipal Police Station nasa pakiwari ko ay walang gobyerno at kaayosan na umiiral sa bayan sa lalawigan.
Ang masaklap mismong ang mga matataas na opisyal ng Limay PNP ang nangunguna sa paglabag sa batas (PD 1602) dahil sa pagbibigay proteksyon sa gambling operation.
Lahat ng yan ay alam ng mga pulis ng Limay lalo na ni Police Major Dennis Duean, Limay Chief of Police maging ng Bataan Provincial Director PCol Palmer Tria.
Mistulang walang alam si PRO3 Regional Director PBGen Jose Hidalgo Jr. laban sa mga organisadong sindikato ng saklaan sa kanyang AoR.
Kahit saang sulok ng nabanggit na bayan lantaran ang presensiya ng iligal na sugal.
Ayon sa impormasyon na nakalap natin mga matataas diumano ang ranggo sa PNP ang idinadawit ng mga SAKLA operator na sina alyas Andot Botete at Gigi kaugnay sa daang libong pisong ‘protection money’ bilang ‘payola’ at ‘good will’ sa ilang tiwaling police official ng Limay.
Dagdag pa ng source, nagiging kontrabida na diumano ang nabanggit na PNP officials sa ibinabang direktiba ni Marbil na bawal sa pulis ang tumanggap ng pabor o suhol mula sa iligal.
Saganang akin, kapag mahigpit na paninindigan ni Marbil ang paglilinis sa kanyang hanay batay sa polisiya ng Philippine National Police (PNP) na “Internal Cleansing”, sigurado ako na posibleng sumabit dito si Major Duran dahil sa di masugpong operasyon ng saklaan.
Subaybayan natin!
***
Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com