Advertisers
Tinatayang aabot sa 1 Milyon Piso ang mga natupok na ari-arian sa nangyaring sunog sa Mang Inasal Chicken Restaurant sa loob ng SM City Bacoor, Cavite nitong Linggo ng umaga.
Base sa salaysay ng Restaurant Manager na si Ms. Maria Mae Ricafrente nagsimula umano ang sunog sa cooking area ng kanilang establisimyento 8:30 ng umaga at mabilis naman ang naging pagresponde ng Bureau of Fire Protection at ideneklarang fire out ang sunog 9:10 ng umaga.
Wala namang napaulat na nasaktan o nasugatan sa nangyaring sunog.(Koi Laura)