Advertisers

Advertisers

UTOL NI ALICE GOU, 1 PA TIMBOG SA INDONESIA!

0 37

Advertisers

KINUMPIRMA ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na nasa kustodiya na ng immigration authorities sa Indonesia ang dalawang kasama ni dating Bambam, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Colonel Jean Fajardo, hepe ng PNP Public information Office, hawak ng immigration authorities ng Indonesia ang kapatid ni Alice Guo na si Shiela Guo at Casandra Ong.

“We would like to confirm that the immigration ng Indonesia ay hawak na nila under custody na nila itong si Shiela Guo at saka si Cassandra Ong. Na-hold sila ng Augusr 21 at around 6:45 a.m,” pahayag ni Fajardo



Sinabi ni Fajardo na nang mapabalitang nakaalis ng bansa si Alice Guo at iba pa ay kaagad nagtrabaho ang foreign liaison division, sa pamamagitan ng police attaché, at nakipag-coordinate sa foreign counterpart at pag-request ng Philippine Government para sa cancellation ng passport ng mga nasabing indibiduwal, at nang makansel na ang kanilang passport hinold na sila at inaasahan nang i-repatriated ang mga ito pabalik ng Pilipinas.

Kaalinsabay nito, sinabi ni Fajardo na patuloy ang isinasagawang monitoring sa movement ng iba pang hinahanap na mga tao kabilang ang dating mayor na si Alice Go upang matukoy ang kinaroonan nito matapos na makansela ang kanilang passport.



May outstanding arrest order si Shiela Guo na ipinalabas ang Senado dahil sa pagtanggi nito makipag-cooperate sa imbestigasyon sa operation ng sinakalay na illegal na POGO sa Bamban noong Marso ng taon.

Si Ong naman ang authorized representative ng sinalakay na iligal na POGO sa Porac, Pampanga.
Kabilang sa mga arrest order si Mayor Guo, na pinanininiwalaang nagtatago sa Indonesia matapos ang palihim na paglabas sa Pilipinas, mga magulang nito at iba pang kapatid.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">