Advertisers

Advertisers

3 PRESONG CHINESE DRUG LORD IPINATIGOK NI EX-PRESIDENT?

0 1,304

Advertisers

Tuluyan na yatang GUGUHO ang naging paghanga ko sa WAR ON DRUGS ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na kaibayo sa maskarang kaniyang iwinagayway noon ay tila nilipol lamang nito ang mga kakompitensiya sa ILLEGAL DRUG TRADE sa ating bansa base sa mga ebidensiyang natitipon ng CONGRESS QUAD COMMITTEE HEARING (CQCH).

Tulad na lamang sa nakaraang CQCH ay may mga PRESONG CONVICTED mula sa DAVAO PENAL COLONY ang inatasan para paslangin ang 3 CHINESE DRUG LORDS sa loob ng piitan noong DUTERTE ADMINISTRATION.

Sa pagsisiwalat ng presong si LEOPOLDO “TATA” TAN JR sa mga MAMBABATAS.., noong July 2016 ay kinausap umano siya ng kaniyang high school classmate na si SPO4 ARTHUR NARSOLIS ng CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP (CIDG) na nakabase sa DAVAO CITY at aniya ay mayroon silang “PROJECT” na ‘iligpit’ ang CHINESE PERSONALITIES na sina CHO-KIN TONG, JACKSON LEE at PETER WANG.



Ang 3 CHINESE NATIONALS ay mga DRUG LORD umano na ipinatutumba ni EX-PRES. DUTERTE.., at base sa affidavit ni TAN ay KINUMPIRMA nito na inatasan siya ni SPO4 NARSOLIS na kailangan niyang humanap ng makakasama para paslangin ang 3 INTSIK kapalit ng kanilang ikalalaya at tig-kalahating milyong piso sa bawat mapapatay nila.

Pinili ni TAN ang kaniyang kapuwa DAVAO CONVICT na si FERNANDO MAGDADARO na ito naman ay nagsiwalat sa CQCH nitong umaga ng Huwebes na tinanggap nito ang alok ni TAN dahil sa pangakong sila ay.mapapalaya bukod pa sa perang bibigay sa kanila.



Noong umaga ng August 10, 2016 ay nilibot nina TAN at MAGDADARO ang kabuuan ng piitan hanggang sa na-identify nila ang 3 INTSIK na ipinaliligpit sa kanila subalit hindi sila nagkaroon ng magandang tiyempo.

Sumunod na araw August 11, 2016 ay may mga jail guards ang pumasok sa selda nina TAN at MAGDADARO na tinaniman sila ng sachet na naglalaman ng SHABU residue at sila ay inilipat sa BARTOLINA o holding cell No. 6.., at noong hapon ng August 13, 2016 ang 3 INTSIK na sina CHO-KIN TONG, JACKSON LEE at PETER WANG ay inilipat din dakong alas-8:00 ng gabi sa CELL NO.6 at dito ay isinakatuparan na nina TAN at MAGDADARO na pinagsasaksak ang kanilang target gamit ang patalim na ibinigay sa kanila ng isang kapuwa nila convicted na si LEO PINKIAN.



Matapos ang pamamaslang ay agad na.pinagsabihan umano ni BUREAU OF CORRECTIONS SUPERINTENDENT GERARDO PADILLA sina TAN at MAGDADARO na itapon ang mga patalim na kanilang ginamit.., na habang patungo ang mga ito sa INVESTIGATION SECTION ng PENAL COLONY ay isinaad ni TAN na si SUPT. PADILLA ay nakatanggap ito ng tawag mula kay PRES. DUTERTE na kino- congratulate siya sa matagumpay na implementasyon ng project.
Ang speaker phone umano ni SUPT. PADILLA ay naka-on kaya dinig at nabosesan ni TAN na ang nagsasalita sa kabilang linya ay si PRES. DUTERTE na narinig ni TAN ang pagsasabi ni PRES. DUTERTE “CONGRATS SUPT. PADILLA, JOB WELL DONE… PERO GRABE GINAWA, GINAWANG DINUGUAN,” at kasunod niyon ang pagsasabi ni PADILLA na natutuwa ang PRESIDENT sa kanilang ginawa.

Makalipas ang 4 na araw ay bumisita umano si SPO4 NARSOLIS at ipinahayag sa 2 na ang reward money bagaman at kulang pa ay naipadala na sa asa-asawa nina TAN at MAGDADARO.

Inihayag pa ni TAN na si SPO4 NARSOLIS ay kasama pa nito si LT. COL. ROYINA GARMA na nakatalaga noon sa CIDG REGION 11 na bumisita ang mga ito sa isang MAJOR PORTALEZA na CONVICT din sa DAVAO PENAL FARM at naging CLASSMATE ni GARMA sa POLICE ACADEMY.

Si PORTALEZA umano ang nagsabi kay TAN na huwag silang mabibigo sa kanilang misyon at sa pagkakaalam ni TAN ay magsyota sina NARSOLIS at GARMA na itong si GARMA ay nalipat bilang CEBU CITY POLICE CHIEF at matapos nito ay na-appoint siya bilang GENERAL MANAGER ng PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) na aniya ay FAVORITE POLICE PERSONNEL ni DUTERTE itong si GARMA. Sina TAN at MAGDADARO ay nakasuhan at na-convict sa salang pagpatay sa 3 INTSIK sa loob ng piitan.

Matapos ang naging testimonya ni MAGDADARO ay naihayag ni CONG. JINKY LUISTRO na ang testimonya ng una na plinano ang pamamaslang kapalit ng pangakong reward money ay pasok ito sa muder.., kasunod ang pahayag ni CONG. LUISTRO na “a case for crimes against humanity, may be made out against the masterminds for the systematic killing of members of a specific sector of society”.

Bunsod nito ay inihayag ni REP. JOHNNY PIMENTEL na imbitahan si EX-PRES. DUTERTE sa susunod na pagdinig at iimbitahan din si COL. EDILBERTO LEONARDO na siyang naging CIDG REGION 11 CHIEF na matapos nito ay itinalaga ni DUTERTE si LEONARDO sa NATIONAL POLICE COMMISSION at ito ay inaakusahan sa pagkonekta sa PROSECUTOR ng INTERNATIONAL CRIMINAL COURT (ICC).

Mga ka-ARYA.., antabayanan natin ang rebelasyon ng mga nakaririmarim na eksenang kinasasangkutan ng TROPANG DUTERTE at habang hindi pa natatapos ang CONGRESS HEARINGS ay mananatili muna sa piitan ng CONGRESS sina TAN at MAGDADARO!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.