Advertisers

Advertisers

‘PISOT MOY NOY’

0 39

Advertisers

NAGDAAN ang isang linggo na para sa amin ay isang linggong hitik sa pagsubok para sa pinakamamahal na Republika ng Pilipinas. Una, ang isiniwalat na ang pagtakas ni Huo Guoping, isang tsina na nagtatago sa pangalang Alice Guo. Ilang beses na ipinatawag ng Senado upang magbigay paliwanag bilang resource person at bilang pangunahing tinutukoy sa operasyon ng POGO sa ating bansa.

Ilang beses inanyayahan na Senado, ngunit hindi niya pinansin ang mga ito. Noong nakaraang linggo, inamin ng NBI na tumakas ito at nagtago sa ibang bansa. Doon nagulantang ang lahat sa balita. Kinalaunan nakalawit ang kapatid na si Zhang Meir na nagpapanggap na Pilipina at nagtatago sa pangalang Sheila Guo. Si Cassandra Ong ay nakalawit ng mga otoridad ng Indonesia at dagliang inilipad pabalik sa Manila. Tila may pagka -palos itong si Hua Guoping dahil nakalusot siya sa Indonesian immigration

Nasa Indonesia si Guo mula pa Agosto 17 at ang pagkatakas niya ay isang malaking dagok sa lahat sa DOJ, PNP, mga senador at congressmen, lahat tayong mga Pilipinong lantay. Paano ito nakalusot? Sino ang tumulong sa kanya? Ipinakita ng paglisan ni Guo na may mga nasa loob ng ating pamahalaan na tumulong sa tsina na makatakas. Sa maikli, naging taksil sila dahil sa salapi. Maliwanag ang sinabi ng kasalukuyang pangulo ng bansa: “heads will roll.”



Paumanhin po, kung hindi ko napigil ang aking paghinga. Heto ang pangalawang isyu isyu ang tinanggap na batikos ni SWOH nang ilabas ang aklat pambatang isinulat niya umano na pinamagatang “Isang Kaibigan” dahil natuklasan ang mga karakter ay kahalintulad ng mga karakter na likha ni Andy Runton, isang tanyag na manunulat ng mga labrakang pambata. Bagama’t isinulat sa Tagalog, kapansin-pansin ang ilang kamalian, halimbawa ang dahong banahaw na dapat dahon ng anahaw na pambansang dahon natin. Ang Banahaw ay isang bundok sa katimugang Luzon.

Ngunit sa akin, ang isang napuna ko ay ang binanggit na ang panunahing karakter na isang kuwago ay nakatira sa isang puno ng mangga. Sa mahilig magbasa ng mga aklat tungkol,sa agham at sining, alam ko na ang kuwago ay naninirahan sa lupa, at kung sa puno man iyon ay sa puwang o butas sa gitna nito. Okay, sige na kung simbolismo ang depensa ng maka-sara, pero Hindi ko mapapatawad ang mali-maling balarila na mapupuna sa aklat.



Ewan ko lang sa inyo ngunit ayokong bumangon si Lope K. Santos, ang Ama Ng Balarila, at habulin si Inday Sara ng mag-asawang tampal. ¿Verdád que sí Professor Bayani Santos? Katakutakot na isyu ang ikinahaharap ng magkapatid, at ama nila na serial-killer president. Dito maaari ko pang dahan-dahanin ang paghigop ng kape; ngunit ang ginawa mong libro? Ito ay tinitiyak ko sa lahat, isa lamang polyeto na ginagamit para magpalawak ng pansin, magpakilala, magpabebe.

Ito ay “election paraphernalia na gagamitin in-aid-of-election at hindi ito para sa libro. Kung ako ang “proofreader” ng libro? Icha-channel ko lamang ang inner-Bogs Adornado ko at shoot ito sa basurahan. Ringless pa.



***

AAMININ ko, ikinagalak ako habang pinanonood ang paggisa sa dating Kalihim ng Impormasyon ni dating serial-killer na pangulong Rodrigo Duterte si Harry Roque sa huling pagdinig sa Kamara de Representante. Nahahabag ang inyong abang lingkod kapag nakikita kong pinagtutulungan ng mas malakas ang mahihina, ngunit dito na para akong nasa loob ng roman coliseum habang nanonood ng taong nilapa ng mga leon. Sa totoo lang sa pagkakataong ito, kampi ako sa mga leon. Kilala natin na, sa labas matigas at bargas ang pananalita ni Atty. Roque.

Alam natin na taktika ito ng manananggol upang makuha ang pabor ng hukom para sa kanyang kliyente; ngunit bukod sa wala siyang “homecourt advantage” sa sala ng kongreso, humaharap siya sa mga paratang na kasabwat siya sa operasyon ng POGO, kung saan siya ay napatunayang abugado nito. Ang kabalintunaan dito ang isa sa mga leon ay dati niyang estudyante na sa kalaunan ay naging anak niya sa kasal. Sa bawat kagat ng mga leon unti-unting humina ang boses; sa bawat latag ng ebidensyang dumadawit sa kanya, mapapansin nagkukulay-bayong at ”tila nanlalambot si Harry. Ang dating matigas ay lumantad na malambot.

Sa kalaunan nang mapatunayan na nagsinungaling siya sa komite ikinulong siya at dinetine ng 24 oras, upang makapagnilay-nilay siya. Patunay po ito na, kahit mag astang matigas ka, kapag harap na sa iyo ang katotohanan, bibigay ka rin. Hamag ka.

***

SIGE, huli na po ito. Ang tungkol,sa inaning batikos ng isang senador mula sa samahan ng kababaihan na itatago ko lamang Gabriela. At ang umani ng batikos? Itago na lamang natin siya sa pangalang Robinhood Padilla, o alyas Sili Boy. Nagpamalas ng kaukulang talinong nababagay sa panahon ni Mahoma ang pananaw ni Sili Boy na hindi tumugma sa panlasa ng Gabriela, partikular sa tagapagsalita nito na itago natin sa pangalang Arlene Brosas.

Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Sili Boy na maaaring pilitin ng isang lalaki ang kanyang kabiyak na makipagtalik, kahit labag ito sa kagustuhan ng huli. Hay naku You Sili Boy. Hindi masustansya, lalo na sa panlasa ng kababaihan ang sinasabi mo! No wonder tumaas ang kilay ni Rep. Brosas, at binatikos ka. Upang mamulat at masilawan ng konting aninag ang utak, na nandoon pa rin sa “dark ages”, malayo ang narating ng karapatan ng kababaihan, at hindi na uubra ang ganitong pag iisip.

Taong 2024 na po ito at hindi 1224. Nakakaboto na ang kababaihan at may boses na sila. Marahil sa pagbunot ng tabak,i tinaas ng Gabriela ang pagtutol sa maling inaakala mo, lalo na, maling pananaw mo tungkol sa karapatan ng kababaihan. Maghunos-dili ka Sili Boy. Ang tabak ni Gabriela ay sadyang matabil. Baka masaniban sila ng multo ni Dr. Garma, at maharap ka sa isang madugong “german cut.” Ang masasabi ko lang sa iyo Sili Boy ay “pisot moy Noy”.

***

mackoyv@gmail.com