Manila sa ilalim ni Mayor Honey waging 2nd overall “most competitive highly-urbanized city”
Advertisers
MULING humakot ng karangalan at hinirang bilang 2nd overall “most competitive highly-urbanized city” ang Maynila sa ilalim ni Mayor Honey Lacuna sa katatapos na 2024 Cities and Municipalities Competitiveness Index awards na ginanap sa Manila Hotel nitong August 23. 2024.
Nakopo ng Maynila ang 2nd overall na pwesto sa 33 highly-urbanized cities na nagtagisan sa DTI-sponsored awards.
Sa nasabing pagtitipon, si Lacuna ay kinatawan ni Vice Mayor Yul Servo na siya ring tumanggap ng karangalan para sa lungsod.
Ang Maynila ay tumanggap din ng iba’t-ibang karangalan sa iba’t-ibang kategorya sa awarding ceremony sa Manila Hotel.
Si Servo, na sinamahan ni Project Development Officer IV Aimee Sarmiento sa pagtanggap ng mga karangalan ay nagsabi na ang pagkilalang iginawad sa lungsod at katibayan lamang ng mga magagandang bagay na nagaganap sa kabisera ng bansa sa ilalim ng Lacuna-Servo administration.
Ayon kay Lacuna, ang dahilan ng malaking tagumpay na ito ay ang suporta, pagsisikap at dedikasyon ng lahat ng city officials, kawani, barangay leaders, stakeholders at mga residents. Binanggit din niya ang suporta ng city council sa ilalim ng pamumuno ni Servo bilang Presiding Officer.
Sinabi pa ng lady mayor na ang mga karangalang natamo ng Maynila ay higit na magbibigay inspirasyon buong lungsod na lalo pang gumawa ng mas maganda sa mga susunod na araw.
Nabatid kay Servo, na ang Lungsod ng Maynila ay hinirang din bilang ‘second most competitive in government efficiency’; ‘third most competitive in economic dynamism’ ; fourth in ‘innovation’ and ‘infrastructure’; 6th in ‘resiliency’ and ‘seventh most improved’ all in the ‘Highly Urbanized Cities’ category.
Idinagdag pa nito na ang Maynila, ay pangalawa rin pagdating sa ranking bilang ‘most intellectual property’ sa ilalim ng parehong kategorya, kung saan mahigit na 4,700 intellectual properties ang na-fille. (ANDI GARCIA)