Advertisers

Advertisers

Bea sinisi sa pagkaka- ospital ni Carla; Kanta ni Sarah, viral sa TikTok

0 19

Advertisers

Ni Beth Gelena

TRENDING online ang version ni Sarah Geronimo na Maybe This Time.

Sa TikTok Sarah fever song ang mapapanood lahat kung saan umabot na rin ang views niya sa 1 billion.



Ang nasabing song ay originally performed by Michael Martin Murphy.

Gumawa ng sariling version ang Popstar Royalty para sa movie nila ni Coco Martin nung 2014 na may same title.



After 10 years, eto at muling naririnig ang song na ginawan pa ng dance craze.

Ang viral part ng kanta ay, “She’s smilin’ like she used to smile way back then, She’s feelin’ like she used to feel way back when, They tried, but somethin’ kept them, Waiting for this magic moment.”



Isang estudyante ang gumawa ng twists sa kanta at nag-viral ito na maging mga celebrities ay sinasayaw na rin.

Sad ballad ang kanta, pero feeling masaya ang estudyante habang dinadaan sa sayaw na may kasamang kaldag move dance.

Aba, naki-MTT dance craze na rin sina Andrea Brillantes, Stell Ajero ng SB19, Cong TV and Viy Cortez ng Team Payaman, Sheena Catacutan ng BINI, among others.

Sa ngayon ay nasa Billboard Philippines Hot 100 chart at No. 41 ang Maybe This Time ni Sarah.

“With its short-form video format, dance trends has been a common content on TikTok and usually helps a song gain popularity online being a game changer in the music industry,” ayon sa

Business Insider.

***

BEA ‘SINISISI’ KAYA NAOSPITAL SI CARLA

SA Instagram Story ni Carla Abellana may posted photos siya kung saan naka-confine siya sa hospital.

Ang dasal ni Carla: “Lord, please, heal me. I’ve been in so much pain and discomfort.”

Agad na nag-worry ang fans at supporters ng aktres nang mabasa ang post about her health condition.

Base sa kanya, ang lokasyon ni Carla ay sa Diliman Doctors Hospital.

Ayon kay Carla, lately daw ay nakakaramdam siya ng pain and discomfort kaya minabuti niyang magpa-confine.

Kung maraming fans ang nag-worry sa kalagayan ng aktres much more ang mga celebrities na katrabaho niya.

Isa na si Bea Alonzo, ang kasama niya sa teleserye na napapanood ngayon sa Kapuso, aniya, “Yakap! Pagaling Ka!”

Dito na bumuhos ng mga komento ng fans ni Carla.

“Ano ginawa mo Sam? (character ni Bea sa teleserye nila ni Carla).

“Ano na naman ginawa mo sa kanya Samantha Castillo-Palacios? Pero seryoso get well soon carla”

“Hindi kpb masaya sa lahat Sammmm? Char lang”

“Grabe ka na Sam”

“Ano nanaman ginawa mo Sam kay George? Hahaha ems”

“Sam naman quota quota ka na kay George”

“Nako sam ano nanaman ba ito maawa ka nmn! Affect na affeect talaga ko sa character… Kidding aside get well soon po ms Carla”

“May kinalaman ka dito sam… Ipaiimbestiga namin ito.”

“Get well soon georgina @carlaangeline hahanapin mo pa ang pumatay kay basil, at nanggigil ako kay sam @beaalonzo”

Hindi man ako makarelate sa mga komento ng fans, feeling ko ay inaapi ni Bea si Carla sa kanilang teleserye.

Tuloy napaisip ako, hindi kaya eto ang naging dahilan kaya nasabi ni Carla na nakakaramdam siya ng pain lately at discomfort?

Naaapektuhan kaya siya hanggang ngayon sa nangyari sa kanila ng ex husband na si Tom Rodriguez?

Only just saying! Opinion ko lang po yan.

Wait… Napansin namin isa sa commenter ni Carla ay ang Batangas Vice Governor Mark Leviste, aniya, “God bless you ??”

Wala lang na-curious lang po ang inyong lingkod.