Advertisers

Advertisers

PNP KAY QUIBOLOY: ILIGTAS SA EMOTIONAL HEART ACHES MGA TAGASUNOD

0 16

Advertisers

UMAPELA ang Philippine National Police (PNP) kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy na iligtas ang kanyang mga tagasunod mula sa “emotional heart aches.”

Sinabi ito ng PNP matapos ang paggalugad sa lungga ni Quiboloy sa KOJC compound.

“Ang patuloy nating pa-kiusap kay Pastor Quiboloy, na spare his supporters, spare them of the emotional heart aches… Ibigay niya na ‘yung hinihingi ng korte. Bibigyan naman siya ng pagkakataon na sagutin ang mga reklamong isinampa sa kanya”, ani PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo sa isang panayam.



Nitong Sabado ng umaga, hindi bababa sa 2,000 pulis ang dumating sa KOJC compound sa Davao City para magsilbi ng warrant of arrest kay Quiboloy at sa mga kasamahan nito.

Sinabi ni Fajardo na mahigpit na lumaban ang mga miyembro ng KOJC sa pagtatangka ng mga pulis na halughugin ang 30-ektaryang ari-arian para kay Quiboloy at ilang iba pa.



“Grabe ang resistance nila (Quiboloy’s supporters). Ta-lagang there’s an attempt to delay the movement of the PNP na naatasang maghalug-hog kungsaan pinaniniwalaang nandun si Quiboloy at ‘yung 4 na iba pa,” saad ng opisyal.

Sa kabila ng oposisyon, nanindigan si Fajardo na ang PNP ay naghahanap ng “long haul” at iniikot ang kanilang mga tauhan pagkatapos ng 24 oras.



“Nakikita natin ang resistance ng mga miyembro at supporters ni Quiboloy. Kung magde-deploy lang tayo ng 50-100 [na mga pulis], madali tayong maipagtutulakan di-yan. Ngayon ngang may pwersa tayo, talagang sinusuwag tayo. Lahat ng pang-iinsulto ay na-receive natin,” wika ni Fajardo.

“Hindi tayo titigil sa paghahanap at pag-i-inspect sa bawat sulok ng KOJC para mahuli ang mga pinaghahanap ng batas,” saad pa niya.

Ayon sa mga impormante ng pulisya, nagtatago si Quiboloy at ang 4 iba pa sa loob ng malawak na compound ng KOJC.

Sinabi ni Fajardo na walang ibinubukod na partikular na simbahan ang mga awtoridad, “Hindi ito tungkol sa isang sekta o isang simbahan. Hindi ito pagsikil sa kanilang religious freedom. Ini-implement lang natin ang warrant of arrest na inisyu ng korte.”

“Let us remind of everyone. Hindi ito simpleng pagnanakaw lang, hindi ito simpleng kaso – ito ay kaso involving the alleged abuse ng mga menor-de-edad, na nagsasabing inabuso sila ni Pastor Quiboloy,” ani Fajardo.

“Pastor Quiboloy should exercise moral high ground to face his accusers in the proper forum,” aniya.
(Mark Obleada)