Advertisers

Advertisers

Umaapaw Sa Swerte Ang Career… Rosanna May Pamilya Sagrado Na, May Batang Quiapo Pa, Nagpasalamat Kina Sir Deo At Coco

0 46

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

MULA nang buksan ni Direk Ruel S. Bayani ang pintuan ng ABS-CBN (ngayon ay ABS-CBN STUDIO) kay Rosanna Roces ay hindi na ito nawawalan ng project sa said studio. At hindi lang basta-basta project, kundi malalaking proyekto talaga ang ginagawa ni Osang kaya thankful siya sa mga bossing nila at siyempre kay Direk Ruel, na nagsilbing Big Angel nga niya.

Ngayon ay may dalawang proyekto si Osang sa Dreamscape Entertainment. Hindi pa man tapos ang “PAMILYA SAGRADO,” heto at kinuha naman siya ng “BATANG QUIAPO” para gampanan ang mahalagang character sa number action-drama series sa buong Pilipinas, na magkakaroon ng kaugnayan sa buhay ni Tanggol (Coco Martin). Gagampanan ni Osang ang character ni Boss Divina na dahil sa malaking diyamante ay pagtatagpuin sila ni Tanggol na pinangakuan niyang payayamanin.



Sa teaser.pa lang ng mga kuhang eksena nina Osang at Coco ay makikita na sa kanila sesentro ang kwento ng Batang Quiapo. Patuloy sa pag-angat sa rating ang BQ, pinapadapa nito ang katapat na serye. For Osang, bagong papel para sa kanya ang role sa BQ at bagong look siya rito. Pinasasalamatan ni Osang si Coco na itinuturing niyang kaibigan dahil naging close sila nito nang magkasama sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na itinuturing na all-time highest rating teleserye of all time. Walang hanggang pasasalamat din ang gustong ibigay ni Osang sa namayapang big boss ng Dreamscape na si Sir Deo Endrinal. Hindi raw niya makalilimutan si Sir Deo dahil nagtiwala ito sa kanyang kakayahan bilang artista at isa pa sa ipinagpapasalamat niya ay pareho siyang handpicked o pinili ni Sir Deo para mapabilang sa Pamilya Sagrado at Batang Quiapo. Dalawa sa malalaking teleserye niya bago siya namayapa.

Samantala, ratsada rin ang Pamilya Sagrado sa rating games at one week na nilang tinatalo sa rating ang katapat na Widow’s War. Si Coco na rin ang nagdidirek ng PS and Osang played the character of Nadia Salvacion na nanay ng pinaslang sa hazing na si Roland Salvacion (JC Alcantara) ng grupo ng fraternity ni Grae Fernandez. Maraming eksena si Osang dito kay Piolo Pascual dahil sa ipinaglalaban niya ang hustisya para sa kaawa-awang sinapit ng anak sa seryeng ito.



Ito pa, may movie project ngayon si Osang sa dating mother network na GMA. Parte siya ng cast ng horror movie na “P 77” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, JC Alcantara at FAMAS Best Child Actor Euwenn Mikaell. This is produced by GMA Pictures and GMA Public Affairs. Abangan niyo ito sa mga sinehan. Ang bongga ng career ng kaibigan kong actress na nananatiling Diyosa ng Kagandahan.

***



Jetsetter Vlogger Jessica Santos Von Reidmatten At Husband Sir Martin Enjoy Sa Kanilang Mga Travel

SIMULA noong pandemic at hanggang ngayon ay very supportive na sa aking vlog sa PPA Entertainment Network ang vlogger jetsetter na si my Dear Jhie o Jessica Santos Von Reidmatten in real life also her hubby Sir Martin. Unfading beauty kung tawagin namin si Jhie at talagang artistahin ang dating niya na pwedeng lumebel sa beauty ng mga kilalang local artist, kung pinasok niya ang showbiz. At parte pa rin siya ng entertainment dahil isa siyang vlogger na ang content ay about travel and food. Yes, halos naikot na ni beloved Jhie ang buong Europa kasama si Martin. Nakapag-travel na sila sa Hungary, Crotia, Italy, France, Germany, Netherland, Belgium, Slovenia, Greece Malta, Spain, Austin at iba pang countries. They lived in Switzerland at dito nagwo-work si Sir Martin.

Pero para kay Jhie, ang most favorite destination niya ay ang Philippines. Every year ay nagbabakasyon sila rito at bonding with her family, relatives and friends including me and my Bff Pete Ampoloquio. At bongga siya magpakain, sa mamahaling Buffet Resto ng Hotel, with matching pasalubong pa and fabulous na pakimkim. Yes lucky ka kapag naging friend mo si my Dearest Jhie. Sinusuportahan din niya ang katiwalang si Bbnhil Gayo at may pabigas at cash siya rito. May malaking puso talaga ang friend naming ito. She has two lovely pretty daughters Sha and Moni na mala Italian actress ang dating and both of them have good jobs in Europe.