Advertisers

Advertisers

Survey: Trust rating ni PBBM tumaas ng todo, VP Sara patuloy pagbagsak

0 18

Advertisers

TUMAAS ang rating ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa tiwala at aprub ng publiko sa ikalawang quarter, habang si Bise Presidente Sara Duterte ay bumagsak sa survey na inilabas ng OCTA Research Group nitong Martes.

Ang “Tugon ng Masa” survey ng OCTA na isinagawa mula Hunyo 30 – Hulyo 5 ay nagpakita na ang trust rating ni Marcos ay tumaas sa 71 porsiyento mula sa 69, na nai-post sa unang quarter ng 2024.

Bumaba ang trust rating ni Duterte ng 3 percent (65) percent mula sa 68 percent na naitala noong unang quarter ng 2024.



“Ito ang unang pagkakataon na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nagrehistro ng mas mataas na trust at performance rating kaysa kay Vice President Sara Duterte-Carpio batay sa mga survey ng TNM sa nakalipas na tatlong taon,” sabi ng OCTA.

“Dapat tandaan na ang trust at performance rating ni VP Duterte ay patuloy na bumababa para sa ikalawang sunod na quarter sa 2024,” dagdag ng pollster.



Ang trust score ni Marcos ay tumaas ng 8 percentage points dahil sa pagtaas ng 8 percent sa Mindanao (56 mula sa 48 percent), ang bailiwick ni Duterte, ayon sa OCTA.

Nakuha ni Marcos ang pinakamataas na trust rating sa Balance Luzon (80 percent), sinundan ng Metro Manila (70 percent) at Visayas (69 percent).



Sinabi ng OCTA na ang trust rating ni Marcos ay tumaas din ng 22 percent sa mga adult Filipino na kabilang sa Class ABC (74 percent), na sinundan ng Classes D (71 percent) at E (66 percent).

Pinakamataas ang performance score ni Marcos sa Balance Luzon (75 percent) at bumuti ng 8 percentsa Mindanao (56 percent).

Mataas din ang performance rating niya sa Metro Manila (68 percent) at Visayas (65 percent).

Samantala, nananatiling pinakamataas ang trust score ni Duterte sa kanyang bailiwick, Mindanao, na tumaas ng 9 percent sa 95 percent.

Bumaba ang kanyang trust rating ng 4 percentage points sa Balance Luzon (52 percent mula sa 48 percent) at 3 percentage points sa Visayas (66 percent mula sa 63 percent).

Ang trust score ni Duterte sa Metro Manila ay 60 percent.

Bumaba si Duterte sa kanyang performance ratings sa lahat ng rehiyon, pinakamataas sa Metro Manila sa 6 percent (50 mula sa 56 percent) at Visayas sa 4 percentage points (60 mula sa 64 percent).

Nanatiling mataas ang kanyang performance score sa Mindanao (92 percent) ngunit naiulat na pinakamababa sa Balance Luzon (48 percent). (Vanz Fernandez)