Advertisers

Advertisers

SHIELA GUO INAMIN ‘DI IPINANGANAK SA PINAS, MAGKAPATID LANG SILA SA AMA NI ALICE

0 21

Advertisers

INAMIN ni Shiela Guo, kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na hindi siya ipinanganak sa Pilipinas kundi sa China.

“Hindi po, ako hindi,” sagot ni Shiela sa pagdinig ng Senate Senate subcommittee on justice and human rights makaraang tanungin kung sa Pilipinas ba ito ipinanganak.

Nang tanungin kung sa China siya ipinanganak, sumagot ito ng “opo”.



Kinumpirma rin niya na dumating siya sa Pilipinas taon 2001.

Nauna nang ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Guo ay isang Chinese citizen at may pangalang Zhang Mier na iligal na nakakuha ng Philippine passport.



Ibinunyag din ni Guo na magkaiba sila ng biological father ni Alice Guo, na parehong Chinese.

“Tunay [na] tatay iba. Iba kami, ‘yung tunay na tatay,” wika ni Shiela kungsaan itinanggi rin niya na si Lin Wen Yi ang kaniyang nanay.



Si Lin Wen Yi ang nakarehistrong ina ng Chinese passport holder Guo Hua Ping. Kinumpirma ng NBI na si Alice Guo at Guo Hua Ping ay magkapareho ang fingerprints.

Dagdag pa ni Shiela una niyang nakita si Alice nang dumating siya sa Pilipinas 2001 at hindi sila lumaking magkasama.

Ang kaniyang foster father umano na si Guo Jian Zhong ang nagdala sa kaniya sa Pilipinas para tulungan niya sa kaniyang negosyo.

“Sabi kasi ni Daddy, tulungan ko daw siya ng business niya.”

Nakuha rin aniya ang Philippine passport mula kay Zhong.

“Bigay sa akin ni Daddy. Sabi niya, ‘yun na ‘yung passport mo na ano, pag may punta sa travel o ano ‘yun na ang gagamitin mo,” banggit pa ni Shiela. (Mylene Alfonso)