Advertisers
KINUMPIRMA ni Shiela Guo ang kanilang pagtakas kasama ang mga kapatid, dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice at Wesley, sa pamamagitan ng pagsakay sa ilang bangka.
“Sakay kami ng boat sa dagat po. Hindi ko alam ‘yung lugar,” pahayag ni Guo sa pagdinig ng Senate subcommittee on justice and human rights kaugnay sa kanilang pagtakas mula sa Pilipinas.
Ayon kay Guo, mula sa kanilang farm sa Tarlac, sinundo silang tatlong magkakapatid ng isang van patungo sa sinakyan nilang barko paalis ng bansa.
“Galing kami sa bahay. Tapos may sundo sa aming sasakyan, van. Hindi ko alam san lugar, siguro byahe kami ng ilang oras. Hindi ko matandaan, matagal din. Halos tapos ng dinner. Hatinggabi. Kumbaga, after dinner [kami umalis], dating namin hatinggabi,” paglalahad pa ni Guo sa komite.
Matapos ang ilang oras na paglalakbay sa dagat sa pamamagitan ng maliit na bangka, lumipat sila sa isang mas malaking “fishing boat,” at saka muling sumakay sa isa pang maliit na barko na kulay berde o asul bago makarating sa Malaysia.
Naniniwala naman ang mga senador na bahagi ng subcommittee on justice and human rights hearing, na malaki ang maitutulong ng mga naturang impormasyon upang makausad ang kanilang imbestiga-syon.
Noong Huwebes, Agosto 22, nang mahuli ng mga awtoridad sa Indonesia si Sheila, kasama ang kaibigan ng pinatalsik ng alkalde na si Cassandra Li Ong, at naiuwi sa Pilipinas nung araw din iyon. (Mylene Alfonso)