Advertisers

Advertisers

Quiboloy nagtatago sa bunker ng KOJC compound

0 19

Advertisers

MALAKAS ang indikasyon na patuloy na nagtatago sa mga bunker tunnel sa loob ng compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) si Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang paniwala ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa ambush interview sa kaniya sa General Trias,Cavite nitong Miyerkoles kaugnay sa isang event ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon kay Abalos, kaya nahihirapan ang mga pulis sa paghahanap kay Quiboloy ay dahil maraming gusali sa 30 ektaryang compound at maraming mga lihim na lagusan.



“Without compromising the police operations, malakas ang indications na nandun,” saad ni Abalos.

Gumagamit narin aniya ng mga kagamitan ang mga pulis para mahanap si Quiboloy sa ibabaw ng lupa at sa underground, at hindi titigil ang mga ito hanggang sa makita ang nagtatagong pastor.

“Marami na kaming tao at mga makina doon that we are using para mahanap both above ground and underground. Lahat po ito, ginagawa,” dagdag ni Abalos.

Sinabi ng kalihim na nagbabasa ng bibliya at nagpapahayag ng hustisya si Quiboloy kaya hinamon niya ito na lumutang at patunayang wala siyang kasalanan sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">