Advertisers

Advertisers

PNP bukas sa imbestigasyon sa mga isiniwalat ni Espenido sa Kamara

0 22

Advertisers

NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) sa anumang imbestigasyon kaugnay ng mga pahayag ni Lt. Col. Jovie Espenido sa House Quad committee nitong Miyerkules.

Matatandaang sa kaniyang testimonya, idiniin niya ang sariling institusyon bilang ugat ng krimen dahil sa ipinatutupad na reward system sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, handa ang Pambansang Pulisya na tulungan si Espenido kung mayroon itong hawak na mga ebidensiya.



Pero sana, una muna itong idinulog sa kanilang hanay upang nabigyan sila ng pagkakataon na mabigyan-linaw ito.

Samantala, iginiit ni Col. Fajardo na hahabulin nila ang mga pulis na hindi gumagawa ng tama sa kanilang hanay at hindi kailanman kukunsintihin ang mga iligal na aktibidad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">