Advertisers

Advertisers

Senglot na pulis nag-amok sa bar: 2 patay, 1 kritikal

0 26

Advertisers

KULONG ang isang deputy chief of police nang mag-amok at mamaril habang lasing sa loob ng isang videoke bar na ikinasawi ng dalawang kustomer at isa ang malubhang nasugatan sa Kabacan, Cotabato, Sabado ng madaling-araw, August 31, 2024.

Kinumpirma ni Major Maxim Peralta, hepe ng Kabacan Municipal Police Station, na nasa kustodiya na nila ang kanyang deputy na si Captain Romel Magdato Guhiling na agad nilang naidetine nang mapatay niya gamit ang kanyang service pistol sina Akmad Ali Salimula at Mama Sandigan na nakaalitan sa loob ng isang videoke bar sa Barangay Osias ng naturang bayan.

Sugatan din sa pamamaril ang kasama nina Salimula at Sandigan na si Norhan Katom Makakua, na agad naisugod sa pagamutan ng emergency responders.



Ayon kay Peralta, nagtalo sina Guhiling at ang magkasamang Salimula at Sandigan, bago nito mapatay agad ang dalawa at nasugatan si Makakua sa pamamaril.

Sa ulat, kilala si Guhiling sa kanilang barangay sa hindi kalayuang bayan ng Midsayap na sugapa sa alak at abusado, at nanggugulo kapag lasing.



Nahaharap sa kaukulang kasong kriminal at administratibo si Guhiling.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">