Advertisers

Advertisers

FEAR NO EVIL

0 19

Advertisers

Humingi ng KAPATAWARAN si Vice President Sara Duterte sa harapan ng libu- libong miyembro ng Kingdom Of Jesus Christ (KOJC) sa pagdalo nito ng ika- 39 na anibersaryo ng nasabing religious group sa Davao City kamakalawa ng gabi.

Humingi ito ng pasensiya sa mga KOJC members dahil sa paghimok ng bise presidente na iboto si Bongbong Marcos Jr.noong nagdaang 2022 presidential elections.

Inamin ni VP Sara na nagkamali siya nang pagkakakilala kay Marcos Jr. at nabulag ito sa ipinakitang plastic na pag-uugali at hungkad na pangako nito.



Malaki umano ang kasalanan nito ( Sara Duterte) sa mga Davaoenos nang himukin nito na iboto bilang Presidente si Bongbong Marcos Jr. na ngayon ay nangunguna pa sa pagbaboy ng kanilang siyudad at pambabastos sa mga miyembro ng KOJC.

“Nawa’y mapatawad n’yo po ako sa aking malaking kasalanang nagawa sa inyo”, nagsisising wika ng vice president.



Hindi ko po alam na ang mismong taong inyong tinulungan noon ang siyang gagawa ng mga pang -aabusong ito sa inyo ngayon.

“Kung ang dala ni Marcos Jr. at ng kapulisan sa inyo ngayon ay gulo at karahasan,sana ay suklian nyo ito ng kapayapaan at pang – uunawa dahil di nila alam ang kanilang ginagawa”,pahayag pa ng Bise Presidente.



” Kung ang dala ng kapulisan sa paglusob sa inyong banal na lugar ay mga baril,bala at teargas, wag po kayong matakot dahil ang sandata nyo ay bibliya na naglalaman ng salita ng Diyos na magpo- protekta sa inyo at sa ating lahat laban sa kasamaan”,pahayag pa ng Bise Presidente na umani ng malakas na palakpakan mula sa mga mga miyembro ng KOJC.

Naging parting words ni VP Sara ay ang pagbabahagi ng isang verse sa bible na nagsasabing…

” even though I walk through the darkest valley,
I will fear no evil for you are with me,
your rod and your staff.
They comfort me”–PSALM 23:4.

Samantala,nagbabala naman ang grupo ng mga aktibo at retiradong opisyal ng AFP sa mga kasapi ng PNP na nananatiling nasa loob ng KOJC compound at patuloy na sumusunod sa unlawful orders ng kanilang mga opisyal. “Umalis na kayo sa nasabing banal na lugar at isuko ang inyong mga armas sa mga awtoridad dahil ang mga matitirang pulis sa loob ng KOJC compound ay itinuturing na naming mga outlaws”!

Para hindi maipit sa posibleng sumiklab na labanan,pinapayuhan ng grupo na lisanin na ng kapulisan ang compound ng KOJC sa ngalan ng paggalang sa “rule of law” at maiwasan ang pagdanak ng dugo.

‘Wag nating gawing Pilipino laban sa Pilipino ang labanan.Wag tayong pikit-matang sumunod sa unlawful orders na isinusubo sa ating mga kapulisan”, dagdag pang babala ng militar.

Base sa ating impormasyon, may ilan pang armadong grupo sa Mindanao ang nakikiisa sa grupo ng militar para magrestore ng kaayusan sa lumalalang sitwasyon sa Davao na ginagawa ng PNP sa pamumuno ng mga misguided officers nito.

Kailangan pa bang dumanak ang dugo?

O mas makakabuting may palayasin sa poder para maibalik ang katinuan sa gobyerno?

Patalsikin ang mga abusado sa kapangyarihan!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com