Advertisers
Ramdam na ramdam na ng SAMBAYANAN ang pagiging ASTIG ng TROPANG DUTERTE sa pagtanggi ng mga itong daluhan ang imbitasyon ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) HEARING para sa paglilinaw sa mga akusasyong ibinabato patungkol sa mga isyung ILLEGAL DRUG TRADE, EXTRA JUDICIAL KILLINGS at iba pang katiwalian sa nakaraang administrasyon.
Tulad na lamang sa imbitasyon ng CQC kay EX-PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER/RETIRED POLICE LT. COL. ROYINA GARMA na direktahang itinuro ng mga preso o PERSON DEPRIVED OF LIBERTY (PDL) na sina LEOPOLDO TAN JR at FERNANDO “ANDY” MAGDADARO na si GARMA ang nag-utos sa kanilang patayin ang 3 DRUG LORD na CHINESE NATIONAL.
Ang 3 CHINESE na ipinapatay base sa pagsisiwalat nina TAN at MAGDADARO ay mga nagngangalang CHU KIN TUNG, JACKSON LI at PETER WANG na mga nakapiit sa DAVAO PRISON AND PENAL COLONY noong August 2016.., sa pangakong tig-isang.myon kada-mapatay nila at pangakong makalalaya ang 2 PDL mula sa pagkakakulong, subalit magpahanggang ngayon ay nakakulong pa rin sila.
Sa banta ni SURIGAO DEL NORTE REP. ROBERT ACE BARBERS na siyang LEAD CHAIRMAN sa pag-iimbestiga ng ILLEGAL DRUGS, EXTRA JUDICIAL KILLINGS at PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATOR (POGO) sa ating bansa.
“If Lieutenant Colonel Garma refuses to attend, we will have no choice but to issue a warrant for her arrest. This is a matter of national importance, and we will not tolerate any obstruction to this investigation. We are committed to ensuring that justice is served, and that means everyone involved must be held to account,” pagpupunto ni REP. BARBERS.
Lumalabas na malaki aniya ang naging papel ni GARMA sa krimeng ito gamit ang kanyang posisyon sa CRIMINAL ME NVESTIGATION AND DETECTION GROUP (CIDG) REGION 11…, na noong Agosti 22,2024 ay pinadalhan ito ng imbitasyon subalit hindi lumutang kaya inisyuhan na si GARMA ng SHOW CAUSE ORDER.
Sa pagtangging lumutang sa CQC itong si GARMA ay tila mababanaagan dito ang pagiging ASTIG ng kaniyang mga ka-TROPA sa dating DUTERTE ADMINISTRATION.., na kinakailangang maipakita ngayon ng ating LAWMAKERS ang kanilang kapangyarihan.., isakatuoaran ang kanilang MANDATO na ang pagsisiyasat ay “NO ONE IS ABOVE THE LAW.
Partikular sa ILLEGAL DRUG TRADES sa ating bansa na tahasang itinuturo ng ilang mga dating magigiting na POLICE OFFICIALS na base sa kanilang mga sanga-sangang ebidensiya ay hindi sinupil ang ILLEGAL DRUGS kundi KINOPO umano ang sektor ng DROGA upang mamonopolyo at makontrola ng TROPANG DUTERTE.
Maging sa POGO OPERATIONS ay lumalabas na maniobrasyon pa rin ng TROPANG DUTERTE na mamayagpag ang krimen tulad ng HUMAN TRAFFICKING, TORTURE, KIDNAPPING at iba pa na ang mga involved ay.mga FOREIGNER katuwang ang kanilang COHORTS TOP PHILIPPINE OFFICIALS.
Sa pakikipagmatigasan ng TROPANG DUTERTE sa hindi pagsipot sa pagsisiyasat ng CQC tulad ng rason ni EX-PRES. DUTERTE na hindi siya sisipot sa mga pagdinig dahil puro “MARITES” lamang o hearsay ang mga pagbubulgar ay kinakailangan ngayon ang pagpapakita ng ating LAWMAKERS na walang sisinuhin sa pagpapairal ng BATAS kesehodang sinupa man o kahit PHILIPPINE PRESIDENT pa kung matibay ang mga ebidensiya sa pang-aabuso ng panunungkulan ay kinakailang igawad ang parusa sa kapakanan ng sambayanan.., at hindi sa kapakanan ng mga BUKTOT na TROPANG ASTIG!
Ika nga, ang panunungkulan sa gobyerno ay hindi habampanahon tulad sa PRESIDENT ay hanggang 6-taon lamang na kung naging abuso ang panunungkulan ng isang PRESIDENT ay dapat lamang itong usigin at ipataw ang marapat na kaparusahan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.