Advertisers

Advertisers

Frayna, Canino sasabak sa 2024 World Chess Olympiad

0 4

Advertisers

KASADO na sina Janelle Mae Frayna at Ruelle Canino na sumabak sa prestihiyosong 2024 World Chess Olympiad na idaraos simula sa Setyembre 10 sa Budapest, Hungary.

Sina Frayna at Canino ay sariwa pa sa matagumpay na kampanya sa XXV Open Internacional de Sants-Ciudad de Barcelona na ginanap sa Barcelona, Spain.

Si Frayna, ang nag-iisang Woman Grandmaster sa Pilipinas sa kasaluku­yan, ay taglay ang unbeaten record kung saan nakalikom ito ng 6.5 puntos sa 10 laro.



Sa kabilang banda, nagrehistro naman ang 16-anyos na si Canino ng anim na puntos para makakuha ng magandang rating points.

Nagsumite si Frayna ng tatlong panalo kabilang ang paggulantang kay GM Gabor Papp ng Hungary sa third round. May pitong draws din ito.



Nakatakdang bumalik sa bansa sina Frayna at Canino para paghandaan ang pagtulak nito sa Budapest sa susunod na linggo.

Kasama nina Frayna at Canino sina Jan Jodilyn Fronda, Shania Mae Mendoza at Bernadette Galas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">