Advertisers
Ipinagtanggol ng Presidential Communications Office (PCO) ang pag-ani ng batikos sa nagdaang kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inimbitahan sa isang mamahaling hotel sa Pasay City ang English pop rock band na Duran-Duran para sa pagdiriwang ng ika-67 kaarawan ng Pangulo nitong Biyernes.
Ayon kay PCO Secretary Cesar Chavez, na walang nagastos ang gobyerno sa nasabing handaan.
Ang nasabing kasiyahan aniya ay ginastusan ng mga malalapit na kaibigan ng Pangulo.
‘Wag na po sana nating gamitin ang nasabing alibi Mr.Secretary Chavez sir.
Makailang ulit na po kasing naging linyahan ang gasgas at palasak na palusot na ‘yan ni DILG Secretary Benhur Abalos.
Ang sakit na po sa tenga!
Alam na ng mga Pilipino na marami po talagang mga milyonaryong kaibigan ang mga bossing mo Sec.Chavez.
Isa na nga po dyan ay ang pamosong big-time smuggler na Michael Ma na itinalagang opisyal pa ng gobyernong ito.
Mismong ang hard-hitting columnist Ramon Tulfo ang nagbulgar ng tunay na pagkatao ni Michael Ma.
‘Wag na po sana ninyong dagdagan pa Secretary Chavez ang pang- iinsulto nyo sa aming mga abang mamamayan by saying those patented lies.
Parang sinasampal nyo na kami ng mga kasinungalingang ‘yan.
Please don’t add insult to injury Mr.Secretary
Mahihirap po kaming tao pero hindi po kami mga TANGA Mr. Secretary.
Masyado na po ninyong hinahamak ang aming intelektuwal na kapasidad para malaman ang katotohanan sa kasinungalingan.
Ang masakit,pera ng mamamayan ang pinasasahod sa inyo Mr.Secratary para lamang haingan kami ng mga pambobola at kasinungalingan para idepensa ang isang insensitive at walang kuwentang lider.
Delicadeza lamang po sana ang aming hinihiling pero wala nga po pala sa bokabolaryo ng mga amo mong ” ALTA” ang mga ganyang kataga.
Di marunong makonsensiya at di marunong mahiya!.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com