Advertisers
Kung pagtutuunan ang mga postura ni retired COLONEL at dating PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER ROYINA GARMA nitong nakaraang 5th CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) HEARING ay mapupuna ang tila “TINGING-BALASIK” nito na nangangahulugang hindi siya karaniwang babae at indikasyon sa pagiging BERDUGO nito sa DRUG WAR noon ni DATING EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.
Ang “TINGING-BALASIK” o “KILLER LOOK ni GARMA ay indikasyon ng isang pagiging AUTHORITATIVE sa pagsasakatuparan nito sa iniaatas ng kaniyang pinagpipitaganang BOSS.., kaya naman ang mga bumubuo ng CQC ay lalong sinentro ang pagdiskubre sa involvement nito sa BLOODY OPERATIONS.
Sa mga rebelasyon ng mga RESOURCE PERSON ay hindi maikakaila na si GARMA ang sagisag ng MABALASIK na LIDERATO ni EX-PRES. DUTERTE.., na walang takot na inilulunsad nito ang mga brutal na operasyon kahit mangahulugan man sa paglabag ng HUMAN RIGHTS.
Tulad na lamang sa iniaakusang si GARMA ang MASTERMIND sa pagsasakatuparang pamamaslang sa 3 CHINESE DRUG LORDS sa loob o sa BARTOLINA ng DAVAO PENAL COLONY noong August 2016 ay patuloy na itinatanggi nito at wala umano siyang alam sa nasabing operasyon.., gayundin ay wala o hindi rin niya alam ang sinasabing DAVAO DEATH SQUAD.
Magugunita na base sa AFFIDAVIT ng isang ARTURO LASCAÑAS ay itinuro nito na si GARMA ang nagbuo ng HITMEN GROUP bilang pagsunod umano sa naging atas ni noo’y MAYORAL AIDE at ngayo’y SENATOR BONG GO.
Sa pagitan ng mga taong 2011 at 2015 ay napaigting ni GARMA ang kaniyang dedikasyon sa pagiging LOYAL nito noon kay dating MAYOR DUTERTE.., na nagsilbi itong STATION COMMANDER sa 2 KEY DITRICTS ng DAVAO CITY at nang maging PRESIDENT OF THE PHILIPPINES si DUTERTE ay naitalaga ang una sa pagiging CEBU CITY POLICE CHIEF at dito ay nagkaroon siya ng mga kaaway tulad ni noo’y MAYOR TOMAS OSMEÑA.., at sa panunungkulan noon ni CENTRAL VISAYAS POLICE CHIEF DEBOLD SINAS ang pinararatangan sa bulto ng pamamaslang sa CEBU CITY at nagmarka sa NATIONWIDE DRUG WAR noon ni EX-PRES. DUTERTE.
Sa kabila ng mga kontrobersiya ay nagretiro pa ng maaga si GARMA para lamang okupahan ang prebilihiyong posisyon bilang PCSO GENERAL MANAGER.., na ito ang malaking katanungan sa pagbibigay ng PABUYA ni DUTERTE sa kaniyang mga pinagkakatiwalaan o mga nagsilbing LOYAL sa kaniyang pagiging lider.
Ang naging pagmamaang-maangan ni GARMA sa mga akusasyon sa kaniya ay hindi napigilan ni KABATAAN PARTYLIST REP. RAOUL DANIEL ABELLARA MANUEL ang pagbulalas ng frustration dahil walang mapigang direktang mga sagot.., kaya ipinunto nito na si GARMA ay kailangang mapanagot pa rin…, sa pagpapabaya sa kaniyang responsibilidad bilang POLICE CHIEF o sa pagbubulag-bulagan sa EXTRA JUDICIAL KILLINGS o ang pinakamalala ay ang pagiging kabilang nito sa mga orkestradong operasyon.
Sa naging takbo ng DRUG WAR noon ay ipinunto ni GARMA na iyon ang sistema ng POLICE FORCE nang usisain ito sa kung ano ang kaniyang naging ROLE sa bulto ng mga patayan sa CEBU CITY noong siya ang POLICE CHIEF dito.., na ang patuloy nitong pagmamaang-maangan o pag-iwas na sagutin ang mga katanungan ng mambabatas ay lalo lamang nagbabaon sa kaniyang sitwasyon.., at higit na pagdududahan siya bilang naging BERDUGO SA PAGSASAKATUPARAN noon ng DUTERTE WAR ON DRUGS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.