Advertisers

Advertisers

Mga tumulong sa mga nasunugan sa Tondo pinasalamatan ni Mayor Honey

0 31

Advertisers

PINASALAMATAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng mga tumulong sa dalawang sunog na naganap sa Tondo nitong weekend kung saan may 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Sa kanyang mensahe sa City Hall’s flagraising ceremony nitong Lunes, partikular na in- acknowledged ni Lacuna ang tulong at suporta ng mga opisyal at kawani ng Bureau of Fire Protection-Manila, Manila Disaster Risk Reduction Management Office director Arnel Angeles, Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Arnold Pangan at ang Manila department of social welfare sa pangunguna ni Re Fugoso na patuloy na nag-aalaga sa mga biktima ng sunog hanggang ngayon.

Pinuri ni Lacuna ang ginagawa ng department of public services (DPS) sa clearing ng lugar na naapektuhan nga malaking sunog.



Pinasalamatan din ng alkalde ang mga apitana ng barangay na agad na nagpahiram ng kanilang covered courts para magamit bilang evacuation ng mga fire victims, gayundin ang division of city schools (DCS) na nagpahiram ng kalapit na paaralam para maging evacuation site.

Nagpahayag din ng pagtanaw na utang na loob si Lacuna sa iba pang local government units na nag-alok ng tulong sa Maynila, pati na rin ang mga volunteers at private individuals at organizations na dumating para tumulong.



Nabatid na noong sumugod sina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa fire scene, lahat ng concerned units ng pamahalaang lungsod ay mabilis na pinakilos at maging ang mga kapitan ng barangay ay agad na pumayag para ipagamit ang kanilang covered courts para maging pansamantalang tirahan na maapula na ang sunog.

Nagpapasalamat si Lacuna pati na si Servo na walang nasawi at nasugatan sa dalawang sunog.



Muli ay nagpaalala si Lacuna na kapag mayroong sunog ay unahing iligtas ang buhay dahil mas mahalaga ito sa mga ari-arian na pwedeng palitan hindi katulad ng buhay ng tao na hindi mapapalitan.

Muling umapela ang alkalde sa mga residente na maging maingat sa mga bagay na nagiging sanhi ng sunog. (ANDI GARCIA)