Advertisers

Advertisers

POLISIYA SA ‘LATE REGISTRATION’

0 35

Advertisers

MULING babalangkasin ang polisiya sa late registration ng mga mamamayan na hindi agad narehistro ang kanilang kapanganakan sa bansang ito, ayon kay Surigao del Norte Kin. Robert Ace Barbers, ang presiding officer ng Quad Committee na kasalukuyang nagsasagawa ng public hearing sa maraming usapin tulad ng POGO, EJKs, at iba pa.

Masyadong madali upang irehistro ang sinuman sa bansang ito, ani Barbers. Walang malinaw na batas upang magkaroon ng beripikasyon sa mga late registration, ani Barbers. Masyado itong naabuso ang batas tungkol sa late registration, aniya. Kailangan na marepaso ang charter ng Philippine Statistical Authority (PSA), ani Barbers.

Papasok ang mga banyaga na kadalasan ay mga intsik mula China, ani Barbers. Dahil katulong ang ilang tiwaling Filipino, kagyat na nakakakuha sila ng dokumento sa late registration, ani Barbers. Naging Filipino sila kahit peke lahat ang hawak ng dokumento, aniya.



***

ISA sa mga bagong mambabatas si Kin. Jinky Luistro ng ikalawang distrito ng Batangas. Ngunit alam niya ang proseso ng Camara de Representante lalo ang investigation “in aid of legislation.” Alam niya ang kanyang batas. Nag-aaral siya bago magbitiw ng salita. Nag-iisip bago buksan ang bibig.



Tungkol sa isyu ni Harry Roque, sinabi ni Luistro na sa dating presidential spokesman lahat nagsimula kasama na dito ang kanyang pangako at komitment na isusumite sa QuadCom ang lahat ng mga dokumento kaugnay sa paglaki ng Biancom Corp., ang kompanyang binuo ng mag-asawang Roque.

Sinabi ni Luistro na malaking isyu sa Quadcom ang ilang bagay nadiskubre sa Biancam Corp. Binuo ito noon 2015 na may capital na P125,000. Ngunit biglang lumaki ang asset nito, ayon sa naunang general information sheet (GIS), at umabot ito sa P68 milyon. Ang Biancam ang nakalistang may-ari ng isang bahay sa Tuba, Benguet kug saan nadakip ang isang empleyado ng Luck South 99, isang kompanyang POGO.



Batay sa naunang testimonya ni Roque sa QuadComm, lumaki ang asset ng Biancam pagkatapos nagbenta ang isang real estate property sa Multinational Village sa Parañaque City. Ipinangako niya na isusumite niya ang deed of sale ng bentahan na naganap noong 2017.

Sinabi rin ni Roque sa mga komite na kaya nila ibinenta ang property sa Paranaque ay dahil limitado ang kanyang income bilang isang lingkod bayan. Hiningi ng QuadComm ang kanyang ITR at SALN at ipinangako ni Roque na isusumite niya ang mga iyon sa pinakamadaling panahon.

Ipinaliwanag ni Luistro na sinabi ni Roque na hindi na silang mag-asawa ang may-ari ng Biancam. Naibenta ito sa isang tao na nangangalang Percival Ortega. Hindi sinabi kung magkano naibenta o donasyon lang ng mag-asawa kay Ortega. Ipinangako ni Roque na isusumite niya ang dokumento sa bentahan.

Ipinagtaka ni Luistro kung bakit nagsumite si Roque ng motion to quash ang investigation ng QuadComm “in aid of legislation” at layunin ng motion na balewalain ang subpoena duces tecum na nag-oobliga sa kanya na isumite ang mga dokumentong ipinangako niya na isusumite.

Dalawang beses na nagsumite si Roque ng motion to quash at sa dalawang pagkakataon, hindi tinanggap ng QuadComm ang kanyang katwiran dahil sa kanya nagsimula ang mga pangako at isumite ang mga dokumento.

Walang dapat sisihin si Roque kundi ang kanyang sarili. Bukod diyan maraming coincidence na nangyari upang paniwalaan na may involvement si Roque sa isyu ng POGO, ani Luistro.

***

AYON kay Luistro, maraming batas at polisya ang kailangan busisiin ng Quadcomm upang maayos ang bansa. Kasama sa mga dapat tingnan ang Anti-Graft and Corrupt Practices Law, ani Luistro, upang higpitan ang mga lingkod bayan sa kanilang tungkulin at pananagutan. Kailangan rin tingnan ang Code of Professional Ethics ng mga manananggol at kawani ng gobyerno upang maiwasan ang kanilang partisipasyon sa corruption, aniya.

Kailangan rin tingnan ang batas sap ag-iisyu ng visa at Anti-Money Laundering Law. Hindi makapaniwala ni Luistro na napakadali maglipat ng malaking salapit sa bansa kahit hindi dumaan ang mga bangko. Karanasan ito sa mga kompanyang POGO na nagdagsaan noong si Gongdi ang pangulo. Kailangan rin tingnan ang batas sa paglilipat ng salapi sa pamamagitan ng Internet, ani Luistro.

***

KARAPATAN ni Roque na magsampa ng sakdal sa Korte Suprema kung sa tingin niya ay hindi siya nabigyan ng katarungan sa QuadComm, ani Luistro. Nilinaw ni Luistro na mas mataas ang karapatan ang interes publiko kesa sa right to privacy na sinasabi ni Roque, aniya. Hindi inaabuso ang karapatan ni Roque dahil sa kanya na nagmula ang lahat ng mga hinihinging dokumento ng QuadComm

***

POST ko ito sa social media noong Linggo. Tungkol ito sa napipintong kandidatura ni Bato dela Rosa sa 2025.

FREUDIAN SLIP? In the last Saturday News Forum at Dapo, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers committed a slip of the tongue by addressing him as “ex-Sen. Bato dela Rosa.” He later corrected himself and addressed him as Sen. Bato. But there’s basis he won’t be senator after the 2025 midterm elections. He does not stand a ghost of a chance to be named in the administration senatorial ticket. Hence, he does not stand to be reelected. Neither would he be elected as the village dogcatcher. Bato sees the end of the line for him. He better retires to preserve the umblemished record of not being a lameduck …

MGA PILING SALITA: “Come to think of it, the criticisms on Harry Roque stem from a single basic fact: He is on the wrong side of history.” – PL, netizen, kritiko

“APOCRYPHAL: ‘Are we alone in the universe?’ is as old as human civilization. Flipside: Enrico Fermi’s paradox: ‘Where are they?’” – PL, netizen

“Investigative reporting is essentially the journalism of outrage. A reporter vents his ire on the concealment of vital information. But investigative reporting has another face which is not stressed. It’s also the journalism of compassion, which is to comfort the afflicted.” – PL, netizen