Advertisers

Advertisers

LUMUBONG BANGKAY NG CAMEROON NATIONAL, NANGANGAMOY NG MADISKUBRE SA CAINTA!

0 18

Advertisers

Isang 40-anyos na call center agent na Cameroon National ang natagpuang nangangamoy at lobo na ang katawan sa inuupahang kwarto sa Cainta Rizal.

Kinilala ang biktima na si Sylvain Kenta Ngansup, nasa hustong gulang Cameroon National Call Center Agent at nakatira sa Unit-3L, Cluster 1, Cambridge Village, Brgy. San Andres, Cainta Rizal.

Sa ulat ng pulisya, dakong 4:20 ng hapon ng matagpuan ng ilang tauhan ng barangay at isang nagngangalang Mr. Mukete ng Telus Call Center ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay nito.



Base sa imbestigasyon, walang nawala sa mga gamit ng biktima at wala din umanong senyales ng straggle na posibleng ikinamtay nito.

Una rito, iniulat sa pulisya dakong 6:15 ng gabi noong 29 Setyembre at mula Setyembre a-26 ay hindi na umano ito pumasok sa Telus bilang call center agent.

Ayon sa text message na natanggap umano ng isang Esau Mukete, isang Cameroon National ng Telus Company.

Dahil dito, humingi na ng saklolo sa Barangay si Mr. Mukete at pinuntahan ang bahay ng biktima.

Ngunit papalapit pa lang umano sila ay isang masangsang na amoy mula sa bahay ng biktima ang umaalingasaw.

Tumambad sa mga ito ang bangkay na lumulubo na, habang nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang awtoridad para mabatid ang ikinamtay nito.