LUCENA City pride Bien Zoleta ay patuloy ang paghakot ng karangalan para sa bansa, ngayon sa pickleball, ang sports na kung saan ang players ay gumagamit ng light paddles at low-bouncing balls sa maliit na court.
Nagsanib puwersa sina Zoleta at Johner Ombrezo para masungkit ang gold medal sa mixed doubles doubles 35+ Open category sa World Pickleball Championship (WPC) Series sa Bali, Indonesia Linggo.
Pinadapa nila sina Thailand’s Piyapon Srirapan at Tarie Caouette, 21-18, sa final.
Dinaigng Filipino pair sina Australians Ty Yturralde at arah Burr, 15-13, sa quarterfinals at sinakop sina Indonesians Novi Emiliabir atGusti Hariwibawa, 15-2, sa Final Four.
Gaya ni Zoleta, ang 36-year-old Ombrezo mula sa Tukuran,Zamboanga del Sur ay seasoned tennis player. Nagwagi siya ng singles gold medal sa 2006 Palarong Pambansa sa Naga Camarines Sur.
“I’m very happy to have finally made it to the podium,” Wika ni Zoleta sa online interview Lunes.
“It felt so good that I achieved my goal to win a medal again in a world-level competition and see our flag on the world stage, especially in pickleball which is still growing in the Philippines,” dagdag ni Zoleta na miyembro ng tennis national team na sumabak sa World Soft Tennis Championship sa Aseong South Korea sa nakalipas na 3 Linggo.