Advertisers

Advertisers

BALASAHAN SA PNP

0 36

Advertisers

NAGPATUPAD ng balasahan sa hanay ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) itong hepe ng kapulisang si P/Gen. Rommel Marbil.

Base sa pahayag ni PNP Chief Marbil walong ranking official ng PNP ang nakasama sa balasahan, kabilang si Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Redrico Maranan na itinalaga bilang director ng Police Regional Office-Central Luzon.

Pinalitan ni Marananan si Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. na magreretiro sa Oktubre 1.



Si Col. Melecio Buslig Jr. naman ang itinalagang acting QCPD director.

Hinirang din si Maj. Gen. Ronald Lee bilang director ng National Police Training Institute. Itinalaga naman si Brig. Gen. Bernard Yang bilang director ng Southern Police District at ipinuwesto si Brig. Gen. Victor Arevalo bilang director ng PNP Training Service.

Kabilang din sa mga itinalaga, si Brig. Gen. Radel Ramos bilang bagong pinuno ng Headquarters Support Service; hinirang si Brig. Gen. Jose Manalad Jr. na hepe ng Center for Police Strategy Management; at si Col. Ma. Sheila Portento ang itinalagang acting Dean of Academics ng PNP Academy.

Ang sabi ni Marbil, may aasahan pa tayong kasunod pa na balasahan sa susunod na linggo dahil marami pang senior officer ang magreretiro sa buwan Oktubre.

Aniya, mahalagang mapunan kaagad ang mga mababakanteng puwesto sa PNP lalo pa ngayong malapit na ang eleksiyon na kailangan nilang paghandaan para sa seguridad.

Sa Oktubre 1 hanggang 8 na nga, ang paghahain ng Certificate of Candidacy para sa mga tatakbo sa 2025 midterm elections. Simula na ito ng tinatawag nating ‘election fever.’



‘Fever’ dahil magiging mainit na naman ang panahon ng halalan. Kaya para di na kumalat ang init, minabuti ni Marbil na magbalasa na ng kanyang mga tauhan para bantayang maigi ang panahon ng halalan bukod pa sa mga magreretirong opisyal ng PNP ngayong buwan ng Oktubre.

Mabilis talaga itong si Marbil, yan ang tunay na PNP Chief, isang ‘action man.’