Advertisers

Advertisers

ILLEGAL NETWORK NI TONY YANG???

0 2,545

Advertisers

Si MICHAEL YANG na naging ECONOMIC ADVISER ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE ang nakilala halos ng buong sambayanan at ngayon naman ay nakikilala na rin ang nakatatanda niyang kapatid na si TONY YANG na PEKENG PINOY sa pag-amin nitong peke ang kaniyang birth certificate upang magkaroon siya ng legal na pagnenegosyo rito sa ating bansa.

Sa pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC).., etong si TONY YANG na ang CHINESE NAME ay YANG JIAN XIN at ang PHILIPPINE BIRTH CERTIFICATE nito ay ANTONIO MAESTRADO LIM ang kaniyang pangalan.., na mayroon itong ilang BUSINESS ENTITIES na nakarehistro sa SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION (SEC) gamit ang kanyang PHILIPPINE BIRTH CERTIFICATE.., pero tahasang inamin ni YANG na ang PHILIPPINE BIRTH CERTIFICATE ay FAKE na nakuha niya ilang taon matapos ang kanyang pagdating sa PILIPINAS.

Lihim na nag-ooperate itong si TONY YANG sa CAGAYAN DE ORO (CDO) sa loob ng mahigit dalawampung taon at sa kasalukuyan ay mayroon si YANG na ILLEGAL POGO na matatagpuan sa YANGZE BUILDING sa ALWANA BUSINESS PARK, CDO at isang pabrika ng bakal na nagkakahalaga ng P800 milyon, na tinatawag na PHILIPPINE SANJIA STEEL CORPORATION sa MISAMIS ORIENTAL.



Si YANG ay nakalista bilang pangunahing stockholder at corporate officer ng OroOne Incorporated na isang POGO SERVICE PROVIDER na nakarehistro sa PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION (PAGCOR).., gayunpaman ay itinanggi ito ni YANG sa pamamagitan ng pag-angking siya ay isang dummy lamang para sa may-ari na umupa sa kanyang YANGZE building.

Ang setup na ito ay kahalintulad sa mga POGO arrangement nina ALICE GUO at CASSIE ONG, kung saan ang BAOFU LAND DEVELOPMENT ni GUO ay nagrenta sa HONGSHENG GAMING TECHNOLOGY INC./ZUN YUAN TECHNOLOGY INC. sa BAMBAN, TARLAC, at ang WHIRLWIND CORPORATION ni CASSIE ay nagrenta sa LUCKY SOUTH 99 sa PORAC, PAMPANGA.., ika nga, maliwanag pa sa sikat ng araw na ito ay magkakahalintulad na operations.., bagama’t sa iba’t ibang lokasyon at napapalooban ng kumplikadong networks ng CRIMINAL SYNDICATES ay may mga magkakaugnay na personalidad mula sa TSINA.

Tungkol sa PHILIPPINE SANJIA STEEL CORPORATION ni YANG ay lumabas na ito ay nag-ooperate sa 3,000 ektaryang industrial compound ng PHILIPPINE VETERANS INVESTMENT DEVELOPMENT CORPORATION (PHIVIDEC) sa BALUARTE, TAGOLOAN, MISAMIS ORIENTAL.., at ang MEMORANDUM OF UNDERSTANDING sa PHIVIDEC na nagpapahintulot sa SANJIA STEEL na umupa ng lupa sa halagang P30 lamang kada metro kuwadrado sa loob ng 25 taon ay nilagdaan noong 2018 nang si DUTERTE pa ang PHILIPPINE PRESIDENT.

Ang PRIVATE PORT ng SANJIA STEEL ay nahalungkat ding ginamit bilang daanan para sa ILLEGAL DRUGS, SMUGGLED RICE at iba pang kalakal papasok sa ating bansa.., at sa mga nakaraang pagdinig ay naipakitang konektado si MICHAEL YANG, si EX-PRES. DUTERTE at ang kanilang mga kasamahan sa ILLEGAL DRUG TRADES sa ating bansa.., kung saan ang PRIVATE PORT na hindi rehistrado ay naging puslitan ng mga TONELADANG IMPORTED ILLEGAL DRUGS at tila ito ang naging silbing daan ng DROGA sa MINDANAO.

Dagdag pa sa mga kuwestiyonableng negosyo ni TONY YANG ay naihalintulad pa sa mga kaduda-dudang CHINESE BUSINESSMEN na sina LIN WEIXIONG LIM. Ang OroOne ni TONY YANG ang service provider para sa XIONWEI TECHNOLOGIES CO LTD. na isang POGO licensee. Si ROSE NONO LIN (asawa ni Lin WEIXIONG LIM/ Allan Lim) ay isang incorporator at stockholder ng Xionwei. Siya rin ang taong sangkot sa kontrobersyal na PHARMALLY SCANDAL noong 2021 na nagbigay-diin sa mga katanungan kung paano nakakuha ang isang hindi kilalang kumpanya na wala pang isang milyong piso ang puhunan ang nakakuha para sa pagsu-supply ng COVID-19 MEDICAL KITS na bilyong piso ang kailangang itustos.., na kalauna’y nadiskubre pang overpriced at quality substandard na mga medical supply ang ipinamigay sa mga health workers.., at si MICHAEL YANG ang nagsilbing financier at guarantor para sa PHARMALLY at siya rin ang nagpakilala sa mga PHARMALLY OFFICIAL kay DUTERTE sa DAVAO CITY.., na itong si TONY YANG kasama ang mga UNDESIRABLE CHINESE BUSINESSMEN ay matagal nang lihim na nag-ooperate at nagsiyaman sa ating bansa.

Ang mabilis na pagyaman ng mga ka-negosyo ng magkapatid na YANG ay noong naging PHILIPPINE PRESIDENT si DUTERTE.., dahil kinunsinte ni DUTERTE ang mga ILLEGAL OPERATOR sa pamamagitan ng kaniyang pagiging PRO-CHINA.., prinotektahan ang mga ILLEGAL BUSINESS tulad ng ILLEGAL POGO at ILLEGAL DRUGS.



Sa kasalukuyan ay tanging mga paglabag sa IMMIGRATION LAWS ang kinakaharap ni TONY YANG dahil sa FAKE PHILIPPINE BIRTH CERTIFICATE.., gayunman ay may inaasahan pang maraming bagay ang malalantad sa mga ILLEGAL NETWORK ni TONY YANG na mabubuyangyang sa kung sino ang MASTER OF ALL MASTERS ng mga ILLEGAL sa ating bansa!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa [email protected] para sa inyo pong mga panig.