Advertisers

Advertisers

P42.1m shabu nasasam sa South African sa NAIA

0 39

Advertisers

Arestado ang isang South African national nang masabat ng mga elemento ng Ninoy Aquino International Airport- Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na tangkain magpuslit ng shabu na nagkakahalaga ng P 42.1 million sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) in Pasay City Sabado ng gabi

Nakilala ang naarestong dayuhan na si Phillip Theunissen, South African,, single, 31-anyos, ng #3 Apollo Drive, Riviera Park, Mathikeng, South Africa



Ayon kay BGen  Eleazar Matta, Dir ng PNP DEG, 9:20 ng gabi ng magsagawa ng operasyon ng pinagsanib na elemento ng Bureau of Customs Customs Anti Illegal Drugs Task Force (BOC CAIDTF):  PNP Aviation Security Group (AVSEG): Airport Police Department (APD): PNP Drug Enforcement Group (DEG):  at National Bureau of Investigation (NBI) sa Customs International Arrival, Terminal 3, NAIA, Pasay City   

 Inaresto ang suspek ng mga operatiba nang masamsam isang transparent plastic pouch na nababalot ng itim na duck tape at packaging tape sa kanyang bagahe.



Nang buksan ang nasabing plastic pouch naglalaman ito ng shabu na may timbang na 6,200 grams na nagkakahalaga ng P42,160,000.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).(Mark Obleada)