Advertisers

Advertisers

UST winakwak ang UP sa SSL Pre-Season

0 7

Advertisers

INUKIT ng University of Santo Tomas ang 25-14, 25-19, 25-21, wagi laban sa University of Santo Tomas Linggo para tapusin ang second round sa 2-1 slate ng 2024 Shakeys Super League Collegiate Pre-season Championship sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Nagsanib puwersa sina wing spikers Angeline Poyos at Kyla Cordora, opposite hitter Regina Grace Jurado, at middle blocker Athena Abbu para tapusin ng Growling Tigresses ang Pool match F matapos ang isang oras at 35 minutong aksyon.

Poyos pinamunuan ang UST sa 10 attacks at one ace kasunod si Cordora na may 10 points.



Hihintayin ng UST ang final standings ng Far Eastern University at University of the Philippines pagkatapos ng round-robin first phase ng playoffs para matukoy ang 2 qualifiers sa crossover quarterfinals.

Ang tie breaker ang magpasya ng rankings kung sakaling magkaroon ng three-way tie sa 2-1.

“I’m so happy to win because our loss yesterday felt heavy. Our mindset is just play our game and have fun on the court,” Wika ni Cordora matapos bumawi ang UST sa kanilang 21-25, 23-25, 23-25 loss sa FEU Sabado.

Jurado nagdagdag ng eight attacks habang si Abbu may seven points, kabilang ang two blocks.

Kassandra Doering umiskor ng 11 points on eight attacks,, two blocks at one ace para sa Fighting Maroons, na dumausdos sa 1-1.



Magtotous ang UP at FEU sa Miyerkules sa pagtapos ng second round.