Advertisers

Advertisers

WE COACH PHILIPPINES’ FREE BASKETBALL CLINIC SA PARAÑAQUE IKAKASA NI COACH RON CATUNAO

0 22

Advertisers

PATULOY ang adbokasiyang pang- sports ng ‘We Coach Philippines’ para sa kabataan.

Ayon kay WCP coach Ron Catunao, kasado na ang pag-aarangkada ng ‘Free Basketball Clinic’ ng naturang samahan sa Nobyembre 9, sa UPSS Recreational Center sa Paranaque City

“Welcome lahat ng kabataang Parañaquenos na nasa edad 6 hanggang 12 anyos sa darating na Nobyembre 9 , higit dalawang oras na basketball clinic para turuan ng libre ang mga batang nagsisimula pa lang mag-basketball”, wika ni Paranaque District 1 Councilor aspirant Catunao “Ang advocacy program na ‘We Coach Philippines’ ay matagal na nating programa may election fever man o wala, para ito sa mga kabataang nais matupad ang kanilang ambisyon para maging big time basketball player sa hinaharap.”



Bukod sa pagiging basketball coach, si Catunao ay ang pangunahing matchmaker sa Universal Reality Combat Championship (URRC) MMA na pinamumunuan ni WAP chief ,jiu-jitsu official at Deftac top brass( NMMAP) Alvin Aguilar. (Danny Simon)