Advertisers

Advertisers

14 PASAHERO NG BUS, NASUGATAN SA ‘ KARAMBOLA ‘ SA EDSA BUS CAROUSEL

0 15

Advertisers

LABING APAT na pasahero ang nasugatan makaraang mawalan ng preno ang isang bus na sumalpok sa unahan ng isang nakahintong bus hanggang madamay din ang nasa unahan nito habang nasa kahabaan ng EDSA Bus Carousel, sa bahagi ng Taft Avenue, Pasay City.

Kinumpirma ni Simeon Talosig, Ground Commander ng SAICT na 9 na pasahero ang nasugatan sa unang bus, 5 sa ikalawa habang walang galos ang mga sakay ng ikatlo.

Ilan sa mga ito ang nagpadala sa ospital matapos pumutok ang labi at noo habang ang iba naman ay nagtamo ng mga galos sa katawan.



Ayon sa driver ng bus na si Rodolfo Bautista, 62, habang binabagtas niya ang kahabaan ng EDSA ay bigla na lang siyang nawalan ng preno kasunod ng narinig niyang malakas na singaw na nagmula sa minamanehong sasakyan.

Ito aniya ang dahilan kung bakit siya sumalpok sa bus sa kaniyang unahan na bumangga rin sa isa pang bus.

Dahil sa lakas ng impact, wasak na wasak at yupi-yupi ang unahang bahagi ng bus ni Bautista na nahatak na ng North and South Towing Services kasama ang dalawang sinalpok na bus sa nabanggit na Busway. (JOJO SADIWA)