Advertisers

Advertisers

Nikola Jokic namayani sa panalo ng Nuggets vs Nets

0 9

Advertisers

KUMAMADA si Nikola Jokic ng 29 points, 18 rebounds at 16 assists, upang tulungan ang Denver Nuggets na ipinta ang 144-139 wagi laban sa Brooklyn Nets sa overtime Martes ng gabi sa New York.

Jamal Murray at Aaron Gordon umiskor ng tig-24 points para sa Nuggets, habang si Russell Westbrook nagdagdag ng 22.

Dennis Schroder umiskor ng 28 points para sa Brooklyn, na lumamang ng 17 sa second quarter. Cam Thomas nagtala ng 26 at Cam Johnson may 20. Nic Claxton nagdagdag ng 16 points at 12 rebounds.



Binasted ng Denver ang Nets ng apat na beses. Jokic ay may dalawang triple- doubles sa first four games ng Nuggets’ at umiskor ng hindi bababa sa 40 dalawang beses.

Bibisita ang Nets sa Memphis Miyerkules habang ang Nuggets ay dadayo sa Minnesota Biyernes.