Advertisers

Advertisers

BAGONG BI COMM. VIADO, NAKIPAGHUNTAHAN SA BI PRESS

0 14

Advertisers

Sa isang simpleng salo-salo sa opisina ni Comm. Joel Anthony Viado kasama ang napakagaling, napakabait at napakagandang spokesperson ng BI na si Dana Sandoval, nagkaroon kami ng pagkakataon na makilala ang bagong-talagang hepe ng BI at taliwas sa nababalitang suplado ito ay napatunayan namin na mukhang mahiyain lang talaga siya kaya napapagkamalang suplado.

Napakasoft-spoken niyang tao at mapagkumbaba at kahit na ang usapan ay kuwentuhan lang na pagkikita ay pinaunlakan na rin nito ang mga katanungan ng media, tutal ay naroon na rin lang.

Maraming topic ang binigyang-linaw ni Comm. Viado gaya ng preparasyon sa Undas pero gaya ng inaasahan, mas nasentro ang usapan sa POGO dahil nalalapit na ang deadline na ibinigay ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na nagsabi sa kanyang state of the nation address kung saan sinabi niya na hanggang katapusan na lang ng taon ang pananatili ng POGO sa bansa.



Ayon kay Viado, nasa 13,000 mula sa 30,000 dayuhang nagtatrabaho sa Chinese-owned offshore gambling firms ang boluntaryong nagpa- downgrade na ng kanilang visa sa temporary visitor visas para makapanatili sila sa bansa hanggang December 31, 2024.

Ang foreign workers sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na nabigong magpa-downgrade o umalis ng bansa pagdating ng December 31 ay aarestuhin at mahaharap na sa deportation.

‘Yung mga nabigong magpa-downgrade ng visa bago ang October 15 deadline ay isasama na sa BI blacklist at dadakpin, habang ‘yung mga boluntaryong nagpa- downgrade ng visa ay may tsansa pang makabalik sa bansa.

Pero sabi ni Comm. Viado, sa kabila nang nagtapos na ang October 15 deadline ay tatanggap pa rin ang BI ng POGO workers na maga-apply para sa visa downgrading. ‘Yun nga lang, isasama na sila sa blacklist ng BI at kung babalik man sila sa bansa, may mga kondisyon na.

Samantala, magkakaroon din daw ng 58 na bagong karagdagang tauhan sa mga paliparan para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero habang papalapit ang Kapaskuhan.

Marami ang nagsasabing mabait na opisyal si Viado na hindi pa-bossing o mayabang gaya ng iba na andun sa BI main office.



Huli man daw at magaling, congratulations Comm. Viado sa iyong pagkakatalaga bilang BI Commissioner.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.