Sa nailunsad na WAR ON DRUGS noong naging PHILIPPINE PRESIDENT si RODRIGO DUTERTE mula 2016 hanggang 2022 ay nasaksihan ang malawakang karahasan, mga paglabag sa HUMAN RIGHTS at pagkamatay ng libu-libong SUSPECTED DRUG OFFENDERS ang nagmarka sa EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) na isinakatuparan NATIONWIDE ng mga tinaguriang DAVAO BOYS.
Naisakatuparan ang BLOODY CAMPAIGN na ito sa mga matatapat na mga tagasunod ng ilang mga pangunahing opisyal ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) at sa PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY (PDEA) kasama ang ilan sa mga pinaka-kilalang opisyal tulad nina ROMEO CARAMAT JR., LITO PATAY at AARON AQUINO.., na ang kanilang mga naging papel sa kampanya ay hindi maitatatuwa sa malawakang EJK sa ilalim ng DUTERTE ADMINISTRATION at ito ay epekto ng BADMOUTHING EX-PRESIDENT DUTERTE na humikayat sa marahas na pagtugon sa sinasabing pagsugpo sa ILLEGAL DRUG TRADES sa ating bansa.
Ang DAVAO BOYS ang naging responsable sa mga ANTI-DRUG OPERATIONS ni DUTERTE noong siya ang DAVAO CITY MAYOR.., na sina CARAMAT, PATAY at AQUINO ay bahagi ng DAVAO BOYS o malapit ang mga ito sa mga taong bumubuo nito at ang sistemang ito ay NATIONWIDE nilang inilunsad nang naging PRESIDENT si DUTERTE.
Mga ka-ARYA.., si CARAMAT JR bilang BULACAN PROVINCIAL DIRECTOR noon ay nakilala sa kaniyang agresibo at marahas na paraan ng mga operasyon kontra droga na nagresulta sa mataas na bilang ng mga napatay sa kanyang nasasakupan.., at namukod-tangi ang pamumuno ni CARAMAT sa BULACAN noong serye ng mga COORDINATED POLICE RAIDS noong 2017; kung saan ay 32-katao ang napatay sa isang araw lamang. Iginiit ni CARAMAT na lahat ng mga napatay ay nanlaban.., at ito ay isang pahayag na paulit-ulit na ginagamit upang katuwiranan ang mataas na bilang ng mga napatay sa mga operasyon ng pulisya.
Si COL. LITO PATAY naman ay nagkaroon ng reputasyon bilang isang walang-awang enforcer. Naging kritikal ang papel ni PATAY sa QUEZON CITY ANTI-DRUG OPERATIONS bilang POLICE STATION 6 CHIEF.., na ito ang
nanguna sa mga operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng maraming pinaghihinalaang drug offenders at marami sa mga ito ang napatunayang inosenteng sibilyan o mabababang antas na drug users at walang kakayanan para sa isang makatarungang paglilitis; kabilang ang pagpatay sa inosenteng 17-anyos na si KIAN DELOS SANTOS.
Si AARON AQUINO naman na nagsilbing PDEA DIRECTOR GENERAL ay isa pang IMPORTANT PERSONALITY sa WAR ON DRUGS ni DUTERTE na siyang nangangasiwa ng mga operasyon laban sa mga SUSPECTED HIGH VALUE PERSONALITIES at nakikipag-ugnayan sa pagitan ng PNP, PDEA, at iba pang mga ahensya ng gobyerno na kabahagi sa ANTI-DRUG WAR. Sa ilalim ng pamumuno nito ay naging pangunahing manlalaro ang PDEA sa pagpapatupad ng marahas na POLICIES ni DUTERTE at madalas na sumusuporta sa pagbibigay-katwiran sa mga agresibong hakbang ng mga pulis.., ika nga ay bahagi si AQUINO ng mas malaking larawan na nagbigay-daan sa paghigpit ng DUTERTE ADMINISTRATION laban sa ILLEGAL drugs na nagresulta sa libu-libong pamamaslang.
Ang puno’t dulo ng mga karahasang ginawa nina CARAMAT, PATAY at AQUINO ay si DUTERTE ang malapit sa mga indibidwal na ito na lahat ay nagmula sa DAVAO o ipinakilala sa mga bumubuo ng DAVAO BOYS. Si DUTERTE mismo ang nagbigay ng mga utos at lumikha ng kultura ng kawalan ng pananagutan na nagbigay-daan sa malawakang EJK.., na mula sa pagiging isang DAVAO CITY MAYOR sa paglulunsad ng BLOODY WAR ON DRUGS ay ginawa na itong NATIONWIDE CAMPAIGN na naghikayat sa pamamaslang sa mga SUSPECTED ILLEGAL DRUG OFFENDERS.
Sa isa sa mga talumpati ni EX-PRES. DUTERTE noong 2016 ay kinumpirma nito ang mga balitang kumakalat mula sa mga pandaigdigang ahensya ng balita tulad ng BBC at CNN na siya ang may pananagutan sa mga pagpatay at ang kanyang kampanya laban sa droga ay hindi titigil hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino para malipol ang lahat ng mga sangkot. Patuloy ring ipinagtanggol ni DUTERTE ang mga pulis at mga vigilante.., na inutusan ang mga itong patayin ang mga pinaghihinalaang sangkot sa droga kapalit sa paniniguro ni DUTERTE na poprotektahan ang mga ito sa anumang mga paglilitis. Ipinangako niyang poprotektahan ang mga tagapagpatupad ng batas mula sa mga legal na kahihinatnan na nagpapahintulot sa mga opisyal tulad nina CARAMAT, PATAY at AQUINO na magsagawa ng mga operasyon nang walang takot sa anumang pananagutan.
Sa utos ni DUTERTE.., ang mga POLICE OFFICIAL at VIGILANTES ay nagsagawa ng malawakang patayan na tinatayang umabot sa mahigit 20,000 ang bilang ng mga namatay at karamihan sa mga ito ay inosente.., dahil sa kawalan ng takot sa pananagutan ay walang awa silang bumabaril ng mga tao sa araw man o sa gabi. Nilusob din ng mga pulis ang mga tahanan nang walang legitimacy o mga warrant at binabaril ang sinumang pinaghihinalaang sangkot sa droga na kanilang makasalubong.., na ginawa ni DUTERTE ang PILIPINAS na bansang walang batas.
Ang aksiyon ng mga POLICE FORCE ay hindi maitatatuwang konektado sa kumpas ni DUTERTE.., na ang DAVAO BOYS at ang EJK ay ginawang patakarang pambansa at ang WAR ON DRUGS ni DUTERTE ay nag-iwan ng pamanang karahasan at pagwawalang-bahala sa HUMAN RIGHTS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa [email protected] para sa inyo pong mga panig.