Advertisers

Advertisers

CARLO AT JULIA SANIB-PWERSA SA 2024 MMFF ENTRY ‘HOLD ME CLOSE’

0 57

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

NAGING mas malapit na sa isa’t isa ngayon sina Carlo Aquino at Julia Barretto sa ikalawa nilang pagsasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ngayong 2024 na Hold Me Close mula sa Viva Films at sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Sa isinagawang presscon kamakailan, masayang humarap sa press sina Carlo at Julia para iahayag ang kasiyahan nilang muling magkasama sa Hold Me Close matapos ang unang pelikula na nagawa nila, ang Expensive Candy mula pa rin sa direksyon ni Direk Jason.



Maganda ang resulta ng kanilang tambalan noong 2022 kaya iginawa ulit sila ng pelikula ng Viva na masuwerteng napili ng MMFF.

May pagka-daring na ang dalawa sa Expensive Candy na naitawid nila nang husto kaya sa Hold Me Close, ang kanilang talento sa pag-arte ang mas ipinakita nila.



Tsika ni Julia, noong una raw ay napansin niya ang pagiging tahimik ni Carlo kaya nagtataka siya na ngayon ay mas masalita o mas madaldal na si Carlo na nakatulong para magawa nila ang kanilang mga eksena nang maayos.

Idinagdag din ni Julia na hindi anya siya nakikipagkompetensiya kina Vilma Santos at Judy Ann Santos sa labanan sa Best Actress basta ginawa lang niya ang lahat para mapaganda ang pagganap at ang pelikula nila ni Carlo.



Mas nag-enjoy mag-shooting sina Carlo at Julia dahil kinunan ang pelikula sa Japan kung saan maganda ang klima.

Sa Hold Me Close, isang traveler si Carlo habang si Julia ay isang clairvoyant girl. Si Carlo ay si Woody, hindi mapakaling biyahero na palipat-lipat ng lugar hanggang makilala niya si Lynlyn (Julia) na may psychic ability at nalalaman sa pamamagitan ng paghawak kung magdudulot ng saya o sakit sa buhay niya ang isang tao.

Dito na magsisimula ang kabanata nina Woody at Lynlyn, alamin ang kasagutan at panuorin ang magaganap sa dalawa sa Hold Me Close ngayong Dec. 25 na, sa 50th MMFF.