Advertisers

Advertisers

COMELEC CHAIR GARCIA, NAG-INHIBIT SA MGA KASO NI ERICE

0 11

Advertisers

Kaugnay ng mga issue at kasong isinampa ni dating Congressman Edgar Erice laban sa kanya ay nagdesisyon si Commision on Elections (COMELEC) chairman George Garcia na mag-inhibit o wag makilahok sa mga kasong may kinalaman kay Erice o maaring isampa laban sa kanya.

Ani Chairman Garcia, ito ay upang ma-preserve ang prinsipyo ng pagiging patas at walang pagkiling at upang matiyak ang integridad ng mga proceedings sa ilalim ng anumang hurisdiksyon.

Ito ay para na din maiwasan ang anumang posibleng maging bintang na ‘bias’ o ‘conflict of interest.’



Ang hakbang ni Garcia ay naka-angkla sa isinasaad ng 1993 Comelec Rules of Procedure on Inhibition na maaring mag-inhibit ang sinumang miyembro ng Komisyon depende sa kung ano ang tingin niya ay tama.

Kumbaga, kahit pa may mga nakalatag na ‘grounds’ para mag-inhibit ang isang miyembro ng Komisyon, ‘prerogative’ din nito kung gusto niyang huwag lumahok batay sa tingin niyang ‘valid’ o ‘justifiable reasons.’

Naniniwala umano si Garcia na ang mga nakabinbing kasong isinampa laban sa kanya ni Erice ay sapat nang basehan para siya ay mag-inhibit.

Gusto din daw kasi ni Garcia na maprotektahan ang kumpiyansa ng publiko sa Comelec at ang pagiging patas nito.

Sa totoo lang, wala sa karakter ni Chairman Garcia ang magpapatinag sa mga kaso o pagpo-post ng paninira laban sa kanya.

Nang tanggapin niya ang posisyong iniatang sa kanya, alam ni Chairman Garcia kung ano ang kanyang sinusuong.



Alam niyang ito ay maraming kaakibat na kontrobersiya at siyempre pa, di maiiwasan na may mga magagalit sa kanya, lalo na mga politiko na maimpluwensiya.

Ang importante para sa kanya, ay magawa ang kanyang trabaho na makapagdaos ng patas, maayos at malinis na halalan sa 2025 at mabigyan ang publiko ng mahusay na uri ng paglilingkod mula sa Comelec.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.