Advertisers

Advertisers

3 TULAK, TIMBOG SA P900K NG DROGA SA MARIKINA!

0 28

Advertisers

ARESTADO ang tatlong (3) high value indibidwal sa buybust operation kontra illegal na droga sa Marikina City.

Sa ulat na tinanggap ni EPD -director P/Col. Villamor Tuliao, kinilala ang mga nadakip na sina Lloyd Olfindo, 44-anyos high value indibidwal residente ng Marikina City, Melanie Mercy Paras, 41-anyos at Jimmy Canadano Asinas, 40 taong gulang kapwa residente ng Brgy. Cupang, Antipolo City.

Nasamsam sa mga suspek ang 135 gramo ng droga na nagkakahalaga ng P918,000.00.



Ayon sa ulat, nagsagawa ng intelligence build-up ang Marikina PNP kontra illegal na droga (shabu) sa lungsod.

Dito benentahan ni alyas Lloyd ng shabu ang isa sa nakasibilyang operatiba na nagresulta sa pagkakadakip ng 3 akusado.

Sinampahan nang kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasabay nito, hinimok ng EPD -director ang publiko na makiisa sa Tech-Based Policing at Cyber-Patrolling sa kanyang nasasakupan kontra salot na droga.