Kilala si Coach Joe Lipa sa taguri nq Pongalangala nguni’t kakaunti ang may alam ng kwento sa likod ng alyas na yan.
Kaya nang maging espesyal na bisita natin ang legendary sports personality sa OKS ay tinanong natin siya hinggil sa istorya ng bansag.
Naging bukambibig na rin kasi yan ng 81 años na consultant ngayon ng Terrafirma sa PBA.
Heto sagot ni Coach Lipa.
“Noon kasi may teammate kaming Pong ang palayaw at kapag naiinis kami sa kanya at nais namin siyang murahin ay Pongangala ang nasasambit namin. “ paliwanang ng State U champion coach.
“ Nagstick na yon sa akin at nakilala bilang Pongalangala,” dugtong ng mentor ng Shell sa pro league noon.
Kakaibang bansag para sa isang pambihirang personalidad.
Mayroon ding nabanggit si Coach Joe na kita na niya sa mga naging player ang husay sa coaching kahit naglalaro pa ang naturang basketbolista.
“ Basa ko na kina Eric Altamirano, Ronnie Magsanoc at LA Tenorio ang galing at batid ko magiging HC sila sa takdang panahon,” saad ng residente ng Azure sa Paranaque.
Ire naman si Benjie Paras na bukod daw sa talino sa sport ay natural pang komedyante.
“ Minsan sa isang post-game celebration ay kinuha ng ama nina Kobe at Andre ang mikropono at halos isang oras niya kami pinatawa, ‘ wika ng Economics graduate ng UP..
Hayun naging comedian nga sa showbiz ang Tower of Power.
***
Nasumpungan natin ang episode ng Family Feud noong Miyerkules kung saan kalahok ang mga Gilas Legend na sina Beau Belga, Marc Pingris, Jeff Chan at Ranidel De Ocampo. Kalaban nila sa game show ang mga ex volleybelle na kanilang nadaig kaya sila naglaro sa Finals.
Dahil mga scorer nga mga retiradong PBA hoopster ay sobra pa sa 200 ang naiskor nina Pingris at Belga sa fast money round.
Nagwagi sila ng P200k at may extra pa para sa napili nilang beneficiary na Phil Sports Association for the Differently Abled ( PHILSPADA).
“ Nag-enjoy na kami sa programa, nakatulong pa kami, “ wika ni Marc na tumayong team captain ng grupo.
***
Walang game ni isa ang NBA noong Huwebes dahil Thanksgiving Day sa Estados Unidos.
Ganyan ang pagpapahalaga ng mga Amerikano sa araw na ito. Mas importante pa yan kay sa Pasko na parating may mga laro ang liga.