Mayor Honey, VM Yul nagpasalamat sa Muslim community sa Maynila sa pagsuporta sa kanilang tandem
NAGPAHAYAG ng kanilang pasasalamat sin Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo sa members ng Muslim community sa Maynila ?sa pagsuporta sa kanilang tandem.
“Maraming, maraming maraming salamat sa ating mga kapatid na Muslim, sa inyong muling pagtitiwala at makakaasa po kayong lahat na hinding-hindi namin kayo pababayaan at lalong-lalo na, hinding-hindi namin kayo iiwan,” pahayag ng alkalde sa pormalisasyon Muslims’ commitment na patuloy na suportahan silang dalawa ni Servo.
“Bilang inyong ina, mananatili nating pangunahing prayoridad ang kalusugan, karunungan, kabuhayan, kaayusan at kaunlaran. Lahat po kayo kasama, dahil lahat mahalaga,” dagdag ni Lacuna.
Ang Manila-based Muslims’ groups ay nanumpa sa harap ng alkalde sa Manila Muslim Pledge of Loyalty event na ginanap sa Quiapo, Manila.
Ang nasabing jampacked event ay sponsored nina barangay chairman Omaiya Sharief and Council at barangay chairman Sultan Suharto Buleg Al-Hajj.
Sa nasabing okasyon, ang nasabing mga chairmen ay pinasalamatan si Lacuna sa pagtataguyod ng good governance at sa mabuting pag-aalaga ng mamamayan ng Maynila.
Bilang namumuno sa pamaakad ng lungsod, sanabi ng dalawang chairmen na ang mga residente ng Maynila ay nasa mabuting kamay dahil lamang sila mayroong masipag na alkalde, mayroon din silang lady doctor na naiintindihan ang pangangailangan ng mga Manileño pagdating sa pangangailangan sa healthcare.
“Sa abot ng aming makakaya, kami ay magbibigay ng walang kapantay na suporta…napakaganda ng ginagawang paglilingkod ng ating mayora… mayroon na tayong mayor mayroon pa tayong doktora na bukod sa naglilingkod ay nanggagamot sa mga maysakit nang walang sinisingil na anuman. yan ang tunay na lingkod ng bayan,” ayon sa kanila. (ANDI GARCIA)