ABOT sa P400,000 halaga ng shabu ang natagpuan sa loob ng compound ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Pagbilao District Jail, Quezon noong Martes.
Nagsasagawa ng roving inspection ang duty personnel ng BJMP Pagbilao na si Jail Officer 1 Ronnie Gonzales sa paligid ng District Jail sa Sitio Fori, Barangay Talipan nang mapansin niya ang isang pakete ng sigarilyo sa lupa 8:00 ng umaga.
Nang suriin ang pakete, tumambad ang apat na sachet ng shabu na may kabuuang timbang na 19.51 gramo.
Kasama nito ang apat na lighter at aluminum foil.
Pinaniniwalaang inabandona ang ilegal na droga para hindi madakip ng mga awtoridad ang may dala nito.