INARESTO ang dalawang menor de edad nang gahasain ang kainuman na 17-anyos na babae sa Santa Barbara, Iloilo.
Base sa imbestigasyon, sinabi ng isang opisyal ng barangay na sa halip na pumasok sa iskul nag-inuman ang mga suspek at biktima kasama ang isa pang 21-anyos na lalaki sa Barangay Bolong Este.
Ayon sa pulisya, posible may inihalo ang mga suspek sa inumin ng biktima kaya ito nanghina bago naisagawa ang krimen. Malapit sa ilog nangyari ang panghahalay.
Nasa kustodiya na ng municipal social welfare and development office ang dalawang menor de edad, habang sumuko naman ang 21-anyos na suspek.