Advertisers

Advertisers

HIRIT NA ‘ADVANCED QUESTIONS’ NI SARA TINABLA NG NBI!

0 19

Advertisers

HINDI bibigyan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng listahan ng mga katanungan si Vice President Sara Duterte sa gitna ng imbestigasyon sa kanyang kontrobersyal na pahayag sa pagpatay laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago nitong Linggo, Disyembre 1, hindi nila ibibigay ang hinihingi ni Duterte na “advanced questions.”

“Ay hindi po. Hindi po kami nagbibigay talaga ng mga questions,” aniya sa isang panayam.



Sinabi ni Santiago na ang una sa kanilang tanong kay Duterte ay tungkol sa taong sinabi niyang kinontrata niya para patayin ang Pangulo kung magtagumpay ang isang plano laban sa kanya, gayundin ang banta umano sa kanyang buhay.

“Kaya ‘yun, ‘yung few questions na ‘yun, alam naman niya na ‘yun ang itatanong—bakit nasabi na nakapagbanta siya nang ganun, bakit may kinausap siyang tao, ‘yun ‘yung usual. Pero ‘yung other questions pa ay hindi na namin maibibigay,” aniya pa.



Nakatakdang humarap si Duterte sa NBI noong Nobyembre 29 upang bigyang linaw ang kanyang pahayag na nagbigay na siya ng utos na ipapatay sina Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos, at Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung siya mismo ang mapatay.

Gayunpaman, hiniling ng kampo ng Bise Presidente sa NBI na muling iiskedyul ang pagdinig. Ni-reset ito ng December 11, para bigyan siya ng mas maraming oras para maghanda.



Hiniling din ni Duterte sa NBI ang isang malinaw na kopya ng reklamo laban sa kanya at iba pang dokumento na nagpasimula ng imbestigasyon, pati narin ang listahan ng mga tanong na balak itanong sa kanya ng NBI.

Ayon kay Santiago, ang koordinasyon ng Bise Presidente sa imbestigasyon ay makatutulong sa NBI na makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga umano’y banta sa kanya at kay Marcos, na parehong inaatasan ng ahensya na protektahan.

“‘Yun namang threat niya kay Presidente BBM… considered namin nag-waive siya sa right niya na ma-express ang kanyang reason, justification, whatever, bakit siya nag-threat kay Presidente, First Lady, at Speaker of the House?,” ani pa ni Santiago.

Matatandaan na inihain ng NBI ang subpoena kay Duterte noong Martes kasunod ng kanyang kontrobersyal na pahayag sa isang media conference sa House of Representatives kungsaan nakakulong si Office of the Vice President (OVP) chief of staff/undersecretary Zuleika Lopez matapos ma-contempt sa “pagsisinungaling”.