Advertisers

Advertisers

Rambol sa Bonifacio Day: 5 pulis sugatan

0 32

Advertisers

NAUWI sa rambol ang rally na nilahukan ng iba’t ibang cause oriented groups sa Maynila kasabay ng paggunita ng Bonifacio Day kungsaan limang anti-rally police ng Manila Police District ang sugatan noong Sabado.

Hinarang kasi ng mga pulis ang raliyista, na puwersahang giniba ang barikada, upang hindi sila makalapit sa Mendiola nitong Bonifacio Day.

Unang nagtipun-tipon sa Liwasang Bonifacio ang mga raliyista at nagmartsa patungong CM Recto at nagtangka makapasok sa Mendiola.



Sinabi ng tagapagsalita ng MPD, Major Philip Ines, nasa 300 raliyista ang lumahok kungsaan ipinatupad naman ng mga pulis ang maximum tolerance. Hindi anila inakala na may ilang raliyistang magtatangka makapasok ng Mendiola kaya napilitan ang mga pulis na harangin ang mga ito.

Isang pulis ang nagtamo ng pinsala sa mata, habang ang ilan pa ay nagtamo ng mga sugat at gasgas.
Bago mag-12 :00 ng tanghali kusang nag-disperse ang mga nagkilos-protesta. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">