Advertisers

Advertisers

ROZZ AT TRARS FAMILY GAME NA SA CHRISTMAS SPECIAL SA DEC. 17

0 54

Advertisers

Ni BLESSIE K. CIRERA

ILANG araw na lang at babalik na ng bansang Pilipinas ang Pop Rock Diva na si Rozz Daniels na naninirahan sa Wisconsin, USA ng ilang taon na.

May gagawing Christmas show si Rozz na gaganapin sa Dec. 17, 2024 sa The New Music Box sa Timog, QC dakong 9 ng gabi. Katatampukan din ang The Rocks and Rozz Show Christmas Special ng pamilya ni Rozz sa kanyang KUMU app na sina Jerome Sang, Neli Legaspi, mag-inang Lina at Monica Torregosa at ng inyong lingkod.



Sayang at kapwa wala sa bansa ang dalawa pang miyembro ng The Rocks and Rozz Show na sina Ms. Irelyn Arana (nasa Chicago) at Derf ‘White’ Dwayne (China).

Pero kahit wala sila, tiyak na masisiyahan ang mga tagasuporta ni Rozz at TRARS family sa kanilang X-mas Special dahil naghanda sila ng iba’t ibang production numbers na makadaragdag sa kasiyahan ng lahat sa nalalapit na Kapaskuhan.



Bawat isa ay may inihandang awitin/sayaw para mas maging alive ang okasyon.

Habang nasa US pa, abala si Rozz sa kanyang mga aktibidades gaya ng Holiday Folk Fair na nagsimula last Nov 22 kung saan nagprepara sila ng Filpino booth at idinaos ito sa Wisconsin Expo Center sa State Fair Park.



Gayundin, gaganapin ang Christmas Party ng FAAWIS sa Dec. 8. Nagpapasalamat ang FAAWIS Board Members sa Filipino-American Association of Wisconsin Community dahil sa pakikiisa sa kanilang event.

Ngayon pa lang ay naghahanda na ang FAAWIS sa kanilang Christmas Party sa Dec. 8, 2024, 11:30-3:30pm sa PCCCF, W Howard Avenue, Greenfield, Wisconsin. Libre raw ang admission at may complimentary lunch pa.

Sisimulan ang okasyon sa pamamagitan ng isang Misa dakong 11:30 am bago simulan ang mga ganap nila para sa lahat ng dadalo. Para sa mga detalye, kontakin lang sina Nela Mendoza sa 414-550-6613 o Rozz Daniels sa 414-241-9739.

Magsasagawa rin ng Valentine Dinner Dance ang FAAWIS sa Feb. 8, 2025, dakong 5 ng hapon sa Performing Arts Center, Bradley Pavilion, Milwaukee, WI.

At siyempre, abangan ang pagre-record ni Rozz ng kantang Ibang-Iba Ka Na na originally sung by Renz Verano under EBQ Music.

Kung abala sa US, mas magiging busy si Rozz sa kanyang pag-uwi rito sa PInas sa Disyembre dahil sa kanyang mga aktibidad kaya see you all soon!